Jane Zhang

2015-02-26 18:02:17

Si Jane Zhang ay galing sa lalawigang Sichuan, Tsina, 31 years old. Noong 2005, unang lumabas sa mata ng publiko si Jane Zhang dahil sa kanyang paglahok sa super girl, isang talent at singing contest ng Hunan TV. Natamo ni Jane ang ikalawang puwesto at mula noon, nagsimula ang kanyang karera sa sirkulo ng musika bilang “whistle register prinsess.”

Jane Zhang

Noong 2005, nilagdaan ni Jane ang kasunduan sa Huanyi Brothers Media Group at tinayo ang sariling studio at ngayon lumaki na ito sa isang kompanya na may mga kilalang mang-aawit na binansagang “Show City Times.”

Noong 2006, inilabas ni Jane ang unang EP na pinamagatang “Jane Love” at lumikha ng rekord, na umabot sa 200,000 sales bolyum sa loob ng 3 araw.

Jane Zhang

Noong taong iyon, inilabas din ni Jane ang unang album na pinamagatang “The One” at idinaos ang unang concert sa Beijing kung saan niya inawit ang mga kanta sa “The One.”

Jane Zhang

Mahilig si Jane sa pagkanta ng English songs, at ang mga lyrics nito ay karaniwang tungkol sa pag-ibig. Bakit gusto niyang kumanta ng English songs? Noong 15 taong gulang pa lamang siya, namatay ang tatay dahil sa cancer. Mula noon, nagkasakit din ang kanyang nanay. Kaya, kumanta siya sa isang bar para makatulong sa pasanin ng pamilya. Kumanta lamang siya ng English songs. Kahit wala siyang guro, mahusay siya sa pagkanta ng mga awit ni Mariah Carey.

Jane Zhang

Dahil sa magandang boses at talento, nakuhani Jane ang maraming mahalagang gantimpala sa loob at labas ng Tsina, gaya ng 7 taong “Best Female Singer” ng “Chinese Song List,” at Best Asian Singer sa “2011 Asian Music Festival.” Noong 2010, lumahok si Jane sa Ika-52 Grammy Awards, at naging unang Chinese singer na lumahok sa award na ito.

Jane Zhang

Noong 2013 at 2014, kumanta siya sa CCTV Evening Gala. Bukod dito, kumanta si Jane ng maraming theme song para sa mga pelikula. Halimbawa, inawit niya ang “Painted Heart” para sa “Painted Skin.” Ito ay nakakuha ang Best Original Film Score sa Ika-28 Hong Kong Film Awards.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino