Joanna Wang

2015-03-10 16:43:02

Si Joanna Wang ay isang babaeng mang-aawit na Taiwanes. Hindi katulad ng iba pang mang-aawit na Tsino, siya ay kilala dahil sa pagkanta ng English songs.  Ang kanyang boses ay kahawig ng kina Lisa Ono at Norah Jones. Tinatawag din siyang “Lisa Ono” ng Taiwan. Dahil lumaki si Joanna Wang sa Amerika, mahusay siya sa pagkanta ng mga awit na may estilong Jazz.

Joanna Wang

Ang ama ni Joanna ay isang music producer sa Taiwan. At dahil mula siya sa pamilyang nasa sirkulo ng musika, nagkaroon ng talento sa musika si Joanna. Pero, dahil ang ama ay kilalang musician sa Taiwan, hindi niya gustong gamitin ang impluwensya ng ama. Sa simula, muntik nang sumuko si Joanna. Pero, noong 12 taong gulang siya, binigyan siya ng isang gitara ng ama. Tinugtog niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay, dahil si Joanna ay kaliwete. Sa kabutihang palad, sumunod si Joanna yapak at payo ng ama at sinimulang mag-aral siya ng gitara. Tinugtog ni Joanna ang gitara katulad ng kanyang idolo, na si Paul McCartney ng The Beatles. Noong 14 taong gulang siya, sinimulan ni Joanna ang sariling paglikha ng mga awit at solong pagtatanghal. Noong 2008, sa edad na 20 taong gulang, ipinalabas ni Joanna Wang ang kanyang unang album, “Start from here.”

Joanna Wang

Dahil sa impluwensiya ng pamilya, hindi katulad ng iba pang kabataang mang-aawit, hindi kinakabahan si Joanna sa pagtatanghal sa harap ng maraming tagapanood. Sa pagtatanghal, si Joanna ay parang isang beteranong mang-aawit at live show ang kanyang paborito. Aniya, noong bata ako, kapag ako ay nagtatanghal, maraming kaibigan ng aking ama ang nanood. Kahit maraming ang mga tagapanood, alam kong sila ay dumalo dahil sa aking ama, hindi dahil sa akin. Pero, sa aking sariling pagtatanghal, kahit ilan-ilan lamang ang mga tagapanood, alam kong sila ay dumalo dahil sa akin. Sabi ni Joanna, masayang Masaya siya sa ganitong uri ng konsiyerto.

Joanna Wang

Mahusay din si Joanna Wang sa paglikha ng musika. Noong 2011, ipinalabas ni Joanna ang isang album “The Adventures of Bernie The Schoolboy,” ang lahat ng mga awit sa album na ito ay sinulat mismo ni Joanna. Isang taon ang ginugol ni Joanna para makumpleto ang album na ito. Dito, tinangka niyang baguhin ang kanyang estilo ng musika.

Joanna Wang

Sa isang panayam, sinabi ni Joanna na gusto niyang maging isang musician na hindi lamang mahusay sa pagkanta, kundi mahusay din sa paglikha ng musika. Noong 2013, ipinalabas muli niya ang isa pang album na may bagong estilo. Ang album na pinamagatang “Galaxy Crisis” ay ginawa ni Joanna, kasama ni Bennett Salvary, music producer ng pelikulang “Jeepers Creepers.”

Joanna Wang

Sinabi rin ni Joanna na gusto niyang kantahin ang mga lumang awit. Sa katunayan, maganda rin ang pagkanta ni Joanna ng mga lumang awit sa Wikang Tsino.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino