Deng Ziqi

2015-03-31 17:22:57

Si G.E.M. (Get Everybody Moving) o Deng Ziqi sa wikang Tsino ang tinatawag na “Bagong Queen ng Hongkong.” Biglang naging kilala si G.E.M. kamakailan sa mainland dahil sa isang Talent Show sa pag-awit sa Hunan TV na pinamagatang “I am a singer.” Bago ito, ang kanyang pangalan ay hindi kilala ng mga taga-mailand. Sa unang round ng paglahok sa “I am a singer,” kinanta ni G.E.M. ang sariling komposisyon na pinamagatang “Bubbles.” Pagkaraan nito, biglang namayagpag ang kanyang popularidad.

Deng Ziqi

Mataas ang kanyang boses hindi po ba? Dahil dito, binansagan din siyang “Little Huge Lung.” Sa sumunod na round ng kompetisyon, muling ipinamalas ni G.E.M. ang kanyang mataas na boses sa maraming kanta. Kahit pumangalawa lamang si G.E.M. sa final round ng “I am a singer,” sa evaluation bago ang finals, siya ang nasa unang puwesto.

Sa katotohanan, ang biglang pagiging kilala ni G.E.M. ay hindi isang coincident. Matatag ang kanyang pundasyon bilang isang mang-aawit.

Deng Ziqi

Si G.E.M ay isang 24 na taong gulang na taga-HongKong. Isinilang siya sa Shanghai at lumipat sa HongKong noong 4 taong gulang siya. Mula noong 5 taong gulang pa lamang, nagsimula na siyang lumikha ng lyrics at himig. Noong 2009, sa edad na 18, nakuha niya ang medalyang ginto sa “Ultimate Song Chart Awards Presentation” at siya ang unang underage winner ng nasabing award. Noong 21 taong gulang siya, idinaos ni G.E.M. ang 5 concert sa Hong Kong Coliseum.

Deng Ziqi

Kahit taga-Hongkong si G.E.M, karamihan sa kanyang awitin ay sa Mandarin o Ingles, sa halip ng Cantones. Noong 2012, nakuha ng album niyang “Xposed” ang “Best Sales Album sa Mandarin.” Kumpara sa iba pang mang-aawit, hindi karaniwan ang landas ng pagiging kilala ni G.E.M sa mainland. Dahil nauna siyang sumikat sa pamamagitan ng internet. Natatangi rin ang kanyang estilo. Inilalabas niya sa website ang kanyang cute na cute na MV tungkol sa “Behind the Scenes Footage” at kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Nagtrabaho siya bilang whether forecater, tindera, at iba. Dahil dito, patuloy na dumami ang kanyang fans sa weibo, sa bilis na halos 100,000 bawat araw.

Deng Ziqi

Para pasikatin ang bagong album, ginawa ni G.E.M. ang video tungkol sa pagkanta sa Houhai at pagkanta para sa birthday girl. Nakuha ng mga ito ang atensyon ng maraming tao.

Ayon kay G.E.M., siya ay isang rebelde noong 15 taong gulang siya, at ang kanyang pinaka-out-of-this-world na ginawa magpahanggang ngayon ay pulaan ang isang tao sa social network site na Weibo. Pero, sinabi rin niyang sa panahong ito, nagawa niya ang ikinokonsidera niyang pinaka-ikinararangal niyang bagay: ang paglikha niya ng kantang “Sleeping Beauty.”

Deng Ziqi

Noong panahong iyon, nagkagusto si G.E.M. ang isang senior, pero nahiya siya, at hindi niya sinabi ang damdamin sa lalaki. Kaya, nilikha niya ang “Sleeping Beauty” at lumahok sa singing contest. Inanyayahin niya ang barkada, kasama ang nasabing senior, at nakuha niya ang unang puwesto.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino