Stewed Pork Ribs

2016-08-22 10:45:35

Stewed Pork Ribs


Mga Sangkap:

1/2 kilong tadyang ng baboy, hiniwa nang pakuwadrado

2 maliit na sibuyas, hiniwa

1 katamtamang laking luya, binalatan at hiniwa

1/4 na kutsarita ng pamintang buo

4 na piraso ng patatas, inapat ang hiwa

Petsay o repolyo

Asin o patis, pantimpla

Paraan ng Pagluluto:

Kumuha ng kaserola tapos pakuluan at palambutin ang pork ribs sa tamang dami ng tubig. Idagdag ang sibuyas, luya, paminta at patatas.

Pakuluan uli hanggang sa lumambot ang patatas. Idagdag ang petsay o repolyo tapos lagyan ng panimpla. Isalin sa serving dish at ihain habang mainit pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino