Crab Meat and Sponge Gourd

2016-08-29 11:28:01

Crab Meat and Sponge Gourd


Mga Sangkap:

1/4 na kilo ng crab meat o laman ng alimango, nabibiling luto na o niluto sa bahay

2 patola, binalatan at hiniwa nang manipis

1/2 na tasa ng thin wheat flour noodles o miswa

2 tasa ng tubig

4 na butil ng bawang, pinitpit

1 katamtamang laking sibuyas, ginayat nang manipis

4 na kamatis, inalisan ng buto at ginayat nang manipis

1 kutsara ng toyo

1 kutsara ng vegetable oil

Paraan ng Pagluluto:

Mag-init ng mantika sa kawali at sa mahinang apoy, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang crab meat pagkatapos.

Buhusan ng 1 tasa ng tubig. Halu-haluin bago takpan sa loob ng 3 minutes. Ibuhos pa ang natitirang isang tasa ng tubig tapos isama ang thin wheat flour noodles. Ituloy pa ang paghalo.

Takpan sa loob ng 2 minutes tapos idagdag ang patola at timplahan ng toyo. Ituloy pa ang paghalo tapos takpan sa loob ng 2 minuto. Pagkaraan niyan, ready to serve na iyan. Ihain habang mainit.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino