Tomatoes and Quail Eggs

2017-01-18 14:32:13

Tomatoes and Quail Eggs

Mga Sangkap:

12 nilagang quail eggs o itlog ng pugo, hinati sa 4 bawat isa

6 na kamatis, hinugasan, inalisan ng bandang ibabaw at tinanggalan ng buto

2 kutsara ng scallion, tinadtad nang pino

1 kutsarita ng asin

1 kutsarita ng pamintang durog

4 na kutsara ng mayonnaise

Paraan ng Pagluluto:

Pagsama-samahin ang hinating nilagang quail eggs, tinadtad na scallions, asin, pamintang durog at mayonnaise. Haluing mabuti. Ipalaman sa bawat kamatis na tinanggalan ng parteng ibabaw. Palamigin sa refrigerator sa loob ng 1 oras. Ihain na kasama ng ibang putaheng gaya ng manok, karne ng baboy o karne ng baka.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino