Dried Shrimps and Winter Melon

2017-03-15 10:45:36

Dried Shrimps and Winter Melon

Mga Sangkap:

300 grams ng winter melon

20-30 grams ng dried shrimps

Tinadtad na green onion o sibuyas na mura

Tinadtad na luya

Pamintang durog

Asin

Cooking oil

Chicken essence o sabaw

Note: Ang dami ng seasoning ay ayon sa panlasa.

Preparasyon:

1. Hugasan at talupan ang winter melon. Gayatin nang pahaba at sa sukat na 1 centimeter ang kapal.

2. Hugasan ang dried shrimps at ibabad sa tubig sa loob ng 2 minutes. Patuluin pagkatapos at itabi muna.

Paraan ng Pagluluto:

Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang green onion o sibuyas na sa loob ng 20 seconds hanggang sa lumutang ang bango. Idagdag ang dried shrimps at ginayat na winter melon at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 2 minutes. Timplahan ng asin at paminta at ituloy pa ang paggisa haggang manuyu-nuyo. Bawasan ang apoy, ilagay ang chicken essence at haluing mabuti. Patayin ang apoy at isalin ang niluto sa serving plate bago ihain.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino