Mandarin Fish with Mushrooms and Bamboo Shoots

2017-04-05 08:55:15

Mandarin Fish with Mushrooms and Bamboo Shoots

Mga Pangunahing Sangkap:

1 Mandarin fish, mga 750 grams ang timbang

20 grams ng sliced bamboo shoots

10 mushrooms

Para sa Seasoning:

30 grams ng vegetable oil

20 grams ng sausages

10 grams ng tinadtad na scallions

10 grams ng tinadtad na luya

20 grams ng red chilis

10 grams ng ginayat na bawang

5 grams ng asin

5 grams ng asukal

20 grams ng cooking wine

10 grams ng soy sauce

Paraan ng Pagluluto:

Linisin ang isda, tapos i-marinate sa pinagsama-samang cooking wine, asin, asukal at toyo sa loob ng 10 minutes. Bago i-marinate, hiwaan nang pahilis ang magkabilang tagiliran ng isda para sa magandang absorption ng seasoning.

Hugasan ang bamboo shoots at mushrooms tapos gayatin nang manipis at pahaba at ibudbod nang pantay sa ibabaw ng isda. Pasingawan ang isda sa loob ng 10 minutes.

Hiwain nang manipis at pahaba ang sausages at hot chili peppers bago ibudbod sa ibabaw ng isda kasama ng scallions, luya at bawang.

Initin ang vegetable oil at ibuhos nang pantay sa isda.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino