Cashew Chickpea Curry

2017-04-14 14:54:05

Cashew Chickpea Curry

Mga Sangkap:

1/2 tasa ng toasted cashew nuts

1 katamtamang laking sibuyas

5 butil ng bawang

1 piraso ng luya, mga 1-inch ang haba

2 kutsarita ng chili powder

2 kutsarita ng turmeric

1 kutsarita ng durog na coriander

1 kutsarita ng cumin

1/2 kutsarita ng durog na cardamom o cardamon

1/2 kutsarita ng cinnamon

1/2 kutsarita ng kinadkad na niyog

2 kutsara ng vegetable oil

Chickpeas, nasa 215-ounce na lata

3 kutsara ng tomato paste

Asin at paminta

Zest ng isang lemon

1 1/2 tasa ng cashew milk

Paraan ng Pagluluto:

Sa isang food processor, i-puree ang toasted cashews kasama ang sibuyas, bawang, luya, spices at niyog. Ilagay ang makukuhang likido sa kaserola, at sa mahinang apoy, pakuluan kasama ng vegetable oil.

Halu-haluin habang pinakukulo. Idagdag ang chickpeas, tomato paste, asin at paminta at ang lemon zest at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 10 minutes. Bawasan pa ang apoy at idagdag ang cashew milk at ilaga sa loob ng 15 minutes hanggang lumapot ang sauce. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino