Braised Aniseed Beef

2017-04-20 10:31:15

Braised Aniseed Beef

Mga Sangkap:

1 buong piraso ng shin beef, tumitimbang ng mga 500 grams

1/2 tasa ng light soya sauce

2 gayat ng sariwang luya

1 buong star anise

1 cm ng stick cinnamon

1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry

1 kutsarita ng sesame oil

Paraan ng Pagluluto:

Ilagay ang karne sa isang sauce pan at lagyan ang sauce pan ng tubig, ang dami ay sapat para lumubog ang buong karne. Pakuluan ang Karne, at habang kumukulo, tanggalin ang mga sebo na lumulutang sa babaw ng tubig. Idagdag ang lahat ng ingredients liban sa sesame oil.

Pagkaraan, ilaga ang karne sa mahinang apoy hanggang sa lumambot tapos idagdag ang sesame oil. Patayin ang apoy at hayaang lumamig ang karne doon mismo sa tubig na pinaglagaan. Hanguin ang karne at hiwa-hiwain sa sukat na 5 millimeters ang kapal. Ibuhos sa mga piraso ng karne ang tubig na pinaglagaan bago ihain. 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino