Almond Jelly with Lychees

2017-05-03 15:11:40

Almond Jelly with Lychees

Mga Sangkap:

3 tasa ng tubig

2 1/2 kutsarita ng agar agar powder

1 tasa ng evaporated milk

1/2 tasa ng asukal

1/2 kutsarita ng almond essence

1 malaking lata ng lychees

Paraan ng Pagluluto:

Lagyan ng tubig ang isang saucepan at ibudbod ang agar agar powder sa ibabaw ng tubig. Pakuluin ang tubig at ilaga ang agar agar sa loob ng 5 minutes. Idagdag ang evaporated milk at asukal at haluing mabuti hanggang matunaw ang asukal. Idagdag ang almond essence tapos isalin sa isang malaking rectangular o square dish at hayaan munang lumamig. Pag malamig na, ilagay ito sa refrigerator at hayaan ito doon sa loob ng hindi kukulangin sa 1 hour. Ilagay na rin sa refrigerator ang lata ng lychees kasama ng almond jelly. Kung isi-serve na, hiwain ang jelly nang hugis-diamond. Ilagay ang lychees at ang juice nito sa isang malaking bowl tapos isama ang mga piraso ng almond jelly at haluing mabuti.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino