Pan-fried Bean Curd with Spring Onions

2017-05-09 16:30:55

Pan-fried Bean Curd with Spring Onions

Mga Sangkap:

3 squares ng bean curd

20 spring onion

3 kutsara ng vegetable oil

1/2 kutsarita ng asin

2 kutsara ng malabnaw na soy sauce

Paraan ng Pagluluto:

Patuyuin nang kaunti ang bean curd at hiwa-hiwain nang pa-cube sa sukat na 1 centimeter. Hiwain ang spring onion kasama ang talbos sa habang 2.5 centimeters.

Mag-init ng mantika sa kawali tapos iprito ang bean curd sa loob ng ilang minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Pag medyo golden na ang kulay, ihulog ang spring onions at ituloy ang pagpiprito sa loob pa rin ng ilang minuto at halu-haluin din occasionally. Lagyan ng asin at soy sauce at hayaan pang maluto sa loob ng ilang minuto.

Isilbi kaagad pagkalutung-pagkaluto.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino