Deep-fried Pork and Prawn Rolls

2017-05-16 10:04:17 CRI

Mga Sangkap

375 grams ng lean pork

250 grams ng hilaw na prawns

1 maliit na carrot, kinayod

4 na shallot, tinadtad nang pino

2-3 spring onion, tinadtad nang pino

6 na water chestnut, tinadtad nang pino

1/2 kutsarita ng asin

1 dash ng white pepper

1 pinch ng vetsin

1 itlog, binati

1 kutsara ng cornflour

3 malalaking tuyong pambalot ng lumpiya

Mantika para sa deep-frying

Paraan ng Pagluluto

Tadtarin ang karne at binalatang prawns nang pinung-pino hanggang maging malapot na paste. Ilaga ang carrot sa 2 kutsarang tubig sa loob ng 2 minutes tapos ihalo sa pork and prawn paste kasama ng iba pang mga sangkap liban sa pambalot ng lumpiya at mantika. Haluing mabuti.

Punasan ang pambalot ng lumpiya ng tuyong pamunas tapos hatiin nang pakuwadrado at sa sukat na 15 centimeters. Lagyan ng tig-kakaunting mixture ang gitna ng pambalot tapos bilutin ito at tiklupin ang magkabilang dulo. Iprito sa mainit na mantika sa loob ng 4-5 minutes. Hanguin at patuluin at ihain kasama ang chili sauce.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino