Chinese Take-out Shrimp with Garlic

2017-08-08 09:57:46

Chinese Take-out Shrimp with Garlic


Mga Sangkap:

2 kutsara ng canola oil

10 cloves ng bawang, tinadtad

1 kutsara ng tinadtad na sariwang luya

1 8-ounce na lata ng water chestnut, pinatulo

1 tasa ng snow peas

1 tasa ng maliliit na puting button mushrooms

1 kutsarita ng dinikdik na red pepper flakes

½ kutsarita ng asin

1 kutsarita ng pamintang itim durog

450 grams ng binalatang jumbo shrimps

1 tasa ng chicken broth

1 kutsara ng rice vinegar

2 kutsara ng patis

2 kutsara ng dry sherry

1 kutsara ng cornstarch

1 kutsara ng tubig

Paraan ng Pagluluto:

Initin ang mantika sa kawali. Igisa ang bawang at luya hanggang sa lumutang ang bango. Idagdag ang water chestnuts, snow peas, mushrooms, red pepper flakes, asin, paminta at ang jumbo shrimps. Halu-haluin hanggang magkulay pink ang shrimps.

Paghalu-haluin ang chicken broth, rice vinegar, patis at dry sherry sa isang bowl tapos ibuhos sa shrimp mixture.

Ituloy pa ang paghahalo. Idagdag ang mixture of cornstarch and water tapos haluin nang maraming ulit hanggang lumapot ang sabaw. Pagkaraan niyan, ready to serve na ang Take-out Shrimp with Garlic.  

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino