Broccoli with Lime

2017-08-15 16:25:38

Broccoli with Lime


Mga Sangkap:

1 ulo ng broccoli, pinirapiraso at hinugasan

1 kutsara ng katas ng lime

1 kutsarita ng ginayat na balat ng lime

4 na butil ng bawang, pinitpit

1/2 tasa ng sabaw ng manok

1 kutsarita ng asin

1 kutsarita ng pamintang durog

4 na kutsara ng vegetable oil

Paraan ng Pagluluto:

Initin ang vegetable oil sa kawali at igisa ang bawang. Idagdag ang broccoli tapos haluhaluin sa loob ng 1 minuto. Ibuhos ang sabaw ng manok at katas ng lime at isama ang ginayat na balat ng lime.

Haluhaluin. Bawasan ang apoy at takpan sa loob ng 5 minuto. Kung hindi pa luto ang broccoli, haluhaluin at takpan pa sa loob ng 2 minuto.

Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Ihain habang mainit.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino