Pan-fried Noodles

2017-09-08 08:37:01

Pan-fried Noodles


Mga Sangkap:

500 grams ng dried egg noodles

1 kutsara ng sesame oil

3 kutsara ng vegetable oil

Paraan ng Pagluluto:

Magpakulo muna ng tamang dami ng tubig sa isang kaserola tapos ihulog ang dried egg noodles. Haluhaluin para maghiwa-hiwalay.  Lutuin ang noodles hanggang lumambot pero huwag hahayaang maging malabsak. Hanguin at patuluin tapos banlawan ng malamig na tubig at patuluing muli. Wisikan ng sesame oil.

Sa isang malaking kawali, initin ang tatlong kutsara ng vegetable oil. Idagdag ang egg noodles at ikalat ang mga ito hanggang sa gilid ng kawali at lutuin ang parteng ilalim nang hindi hinahalo hanggang magkulay brown. Baligtarin pagkatapos at ganundin ang gawin sa kabilang parte. Hanguin at isalin sa serving plate. Ihaing kasabay ng mga nilutong ulam.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino