10-Minute Broccoli Tofu Bowls

2017-11-01 11:38:12

10-Minute Broccoli Tofu Bowls


Mga Sangkap:

453 grams ng tofu

1 tasa ng sabaw ng manok

2 kutsara ng soy sauce

1 kutsarita ng dark soy sauce

2 kutsara ng cooking wine

1 kutsarita ng sesame oil

½ kutsarita ng asukal

2 kutsara ng vegetable oil

2 butil o cloves ng bawang, tinadtad

453 grams ng broccoli, hinimay

2 kutsara ng mixture of cornstarch and water

Paraan ng Pagluluto:

Hiwain ang tofu ng pa-cube (bite-sized). Sa isang katamtamang laking bowl, paghalu-haluin ang sabaw, soy sauce, dark soy sauce, wine, sesame oil at asukal. Itabi muna pagkatapos.

Sa isang kawali, initin ang 2 kutsara ng vegetable oil sa katamtamang apoy at igisa ang bawang. Pagkaraan, dagdagan ang apoy at isama ang broccoli at ituloy pa ang paggisa hanggang magkulay bright green ang broccoli. Idagdag ang tofu at iyong stock mixture at marahang  haluin.

Pagkulo ng sabaw, idagdag ang mixture of cornstarch and water. Hayaan pang kumulo hanggang lumapot ang sabaw. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Ihain kasabay ng steamed rice.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino