Stir-fried Pork Loin

2017-11-13 16:04:29

Stir-fried Pork Loin


Mga Sangkap:

300 grams ng pork loin

2 grams ng siling haba

5 grams ng luya, ginayat

5 grams ng scallion, ginayat nang pino

5 grams ng suka

5 grams ng bawang, tinadtad

5 grams ng soy sauce

10 grams ng shaoxing wine

10 grams ng vetsin

5 grams ng asin

1 itlog, puti lang ang gagamitin

10 grams ng tuyong cornstarch

5 grams ng mixture of cornstarch and water

100 grams ng cooking oil

Paraan ng Pagluluto:

Hiwa-hiwain ang pork loin sa mga pirasong 0.8 centimeter ang haba, lapad at kapal. Lagyan ng 2 grams ng asin, tuyong cornstarch at puti ng itlog tapos haluing mabuti. Hiwa-hiwain din ang siling haba sa mga pirasong 3 centimeters ang haba.

Sa isang mangkok, ilagay ang vetsin at ang natitirang asin bago ibuhos ng shaoxing wine, mixture of cornstarch and water, suka at soy sauce para sa sarsa o sauce.

Initin ang cooking oil sa kawali at igisa ang mga piraso ng pork loin hanggang magkulay brown. Magtira sa kawali ng 20 grams ng cooking oil na ginamit na panggisa sa pork loin tapos igisa ang scallion, luya, bawang at siling haba hanggang lumutang ang bango. Ibuhos ang sarsa tapos isama ang mga piraso ng pork loin. Haluing mabuti. Isalin sa plato at ihain.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino