Sliced Potatoes with Chili Pepper

2017-12-10 12:53:11

Sliced Potatoes with Chili Pepper


Mga Sangkap:

2 patatas, tumitimbang ng mga 300 grams, ginayat nang manipis

50 grams ng red chili pepper, hiniwa nang maliliit

50 grams ng bell pepper, hiniwa nang maliliit

1 green onion o sibuyas na mura, tinadtad

Cooking oil, asin at toyo, ayon sa panlasa

Paraan ng Pagluluto:

Mag-init ng mantika sa kawali. Ikalat ang mantika hanggang sa gilid ng kawali.

Igisa ang green onion o sibuyas na mura sa loob ng 5 seconds hanggang lumutang ang bango. Lagyan ng kaunting toyo at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 5 seconds. Idagdag ang mga ginayat na patatas at igisa sa loob 3 minutes. Idagdag ang red at bell peppers tapos halu-haluin. Timplahan ng asin at ituloy pa ang paghahalo sa loob ng 10-20 seconds. Isalin sa porcelain dish o karaniwang serving dish at ihain.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino