Restaurant-style Sichuan Dry Fried String Beans

2018-01-02 10:05:57

Restaurant-style Sichuan Dry Fried String Beans


Mga Sangkap:

453 grams ng string beans o sitaw

¼ na tasa ng vegetable oil

2 kutsarita ng Sichuan peppercorns

1 kutsarita ng tinadtad na luya

3 cloves ng tinadtad na bawang

113 grams ng ground pork o karne ng baboy na giniling

1 kutsara ng Shaoxing wine

1 kutsara ng light soy sauce

¼ na kutsarita ng dark soy sauce (optional)

¼ na kutsarita ng asukal

Asin (ayon sa panlasa)

Paraan ng Pagluluto:

Tanggalin ang magkabilang dulo ng string beans tapos putulin sa gitna (humigit-kumulang 3 inches ang haba ng bawat piraso).

Hugasan, patuluing mabuti at itabi muna. Initin ang mantika sa kawali, at sa katamtamang apoy, igisa nang tagkakalahating-dami ang mga piraso ng string beans. Pagkaluto, hanguin at patuluin. Patayin muna ang apoy. Tanggalin lahat ng mantika sa kawali at magtira lamang ng 1 kutsara. Sindihan ang apoy, at sa katamtamang init.

Igisa ang Sichuan peppercorns, luya at bawang hanggang lumutang ang bango (humigit-kumulang mga 1 minute). Pagkaraan, dagdagan ang apoy at igisa ang ground pork hanggang magkulay brown.

Idagdag ang string beans, Shaoxing wine, light soy sauce, dark soy sauce at asukal. Haluin at  timplahan ng asin  ayon sa panlasa. Dagdagan ang apoy at ituloy pa ang paghahalo hanggang mag-evaporate ang natitirang likido-at ihain.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino