Almond Jelly with Lychees

2018-02-05 16:12:58 CRI

Mga Sangkap

2 tasa ng tubig

2 ½ kutsarita ng agar agar powder

1 tasa ng evaporated milk

½ tasa ng asukal

½ kutsarita ng almond essence

1 malaking lata ng lychees o longgans

Paraan ng Pagluluto

Ibuhos ang 2 tasa ng tubig sa isang saucepan at ibudbod sa ibabaw ang agar agar powder. Pakuluin sa loob ng 5 minutes tapos idagdag ang evaporated milk at asukal. Haluin nang marahan hanggang matunaw ang asuka. Idagdag ang almond essence at tikman kung tama na ang lasa.

Ibuhos sa isang rectangular o square dish (liyanera) at hayaang lumamig nang kaunti bago ilagay sa refrigerator. I-refrigerate sa loob ng isang oras.

Ilagay na rin sa refrigerator ang lata ng lychees o longgans kasabay ng almond jelly. Sa serving time, hiwain ang jelly nang pa-diamond. Ilagay ang lychees o longgans at ang juice sa isang malaking bowl tapos idagdag ang almond jelly pieces at haluin nang marahan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino