Stewed Winter Melon

2018-04-24 14:54:15

Stewed Winter Melon


Pangunahing Sangkap:

Sariwang winter melon

Mga Pampalasa:

1 putol ng luya, tinadtad

1 berdeng sibuyas, tinadtad

2 butil ng bawang, tinadtad

Asin

Mixture of cornstarch and water

Soy sauce

Paraan ng Pagluluto:

Talupan, hiwa-hiwain nang makapal at hugasan ang winter melon. Lagyan ng ¾ na dami ng tubig ang frying pan. Pakuluin ang tubig tapos idagdag ang mga piraso ng winter melon. Hayaang kumulo ang tubig sa loob ng mga 1 minute. Pag malambot na ang winter melon, hanguin at ilipat sa isang palangganita.

Maghanap ng malalim na plato. Ilagay ang asin, toyo, tinadtad na berdeng sibuyas, luya, bawang at mixture of cornstarch and water. Haluing mabuti at itabi muna.

Tanggalin ang tubig sa kawali. Patuyuin at lagyan ng mantika. Ikalat ang mantika hanggang sa gilid ng kawali. Initin ang mantika tapos idagdag ang itinabing seasoning juice at igisa sa loob ng 20 seconds hanggang lumutang ang bago.

Idagdag ang pinakuluang mga piraso ng winter melon at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 1 minute hanggang mag-absorb ng bango. Patayin ang apoy. Hanguin ang mga piraso ng winter melon, isalin sa isang porcelain plate at ihain.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino