Stir-Fried Fish

2018-05-23 11:03:54

Stir-Fried Fish

Mga Sangkap:

1 yellow croaker o carp, tumitimbang ng mga 750 grams

20 grams ng sibuyas

20 grams ng pinatuyong kabute, ibinabad sa tubig

20 grams ng labong, ibinabad

15 grams ng karot

15 grams ng green peas

100 grams ng tomato sauce

15 grams ng cooking wine

150 grams ng tubig

5 grams ng asin

20 grams ng asukal

20 grams ng suka

2 grams ng sesame oil

50 grams ng cornstarch

15 grams ng pula ng itlog

15 grams ng harina

Paraan ng Pagluluto:

Hugasan at kaliskisan ang isda at alisin ang hasang at lamang-loob. Putulin ang ulo ng isda at ibuka sa gitna. Hiwain ang isda sa kahabaan ng backbone nito, pero huwag gagalawin ang buntot.

Alisin lahat ng tinik. Hiwaan nang pahilis ang magkabilang tagiliran ng isda. Ibabad ang ulo at katawan sa cooking wine at asin. Hiwain nang pa-cube ang mga sibuyas, asin, kabute, labong at karot tapos banlian.

Mag-init ng mantika sa kawali. Pahiran ng harina at pula ng itlog ang ulo at katawan ng isda. Iprito hanggang maging ginintuan ang kulay. Isalin sa plato. Mag-iwan ng kaunting mantika sa kawali.

Buhusan ng tomato sauce. Ihulog ang mga hiniwang sibuyas, kabute, labong at karot at ang green peas bago igisa. Lagyan ng cooking wine, tubig, asin at asukal. Pagkulo, lagyan ng mixture of cornstarch and water para lumapot. Wisikan ng sesame oil ang isda, ibuhos ang sauce at ihain.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino