Cheesy Mashed Potatoes with Scallions

2018-06-05 14:54:11

Cheesy Mashed Potatoes with Scallions

Mga Sangkap:

1.8 kg ng patatas, tinalupan at ginayat nang malalaki

1 ½ na tasa ng mainit na whole milk

1 stick ng unsalted butter

½ tasa ng kinayod na Parmesan cheese

510 gm ng ekstrang sharp cheddar cheese, kinayod

5 scallions, ginayat nang manipis

1 kutsara ng black pepper

1 kutsarita ng asin

Paraan ng Pagluluto:

Pakuluan ang mga patatas hanggang lumambot nang katamtaman.

Pagkaraan, hanguin at patuluin.

Sa mahina-hinang apoy, painitan ang kaserola tapos ilagay ang mga piraso ng patatas. Ibuhos ang gatas deretso sa mga patatas tapos idagdag ang hiniwang butter. Ligisin o i-mash ang patatas kasama ang gatas at  butter. Idagdag ang Parmesan at cheddar cheese, paminta at asin. Ituloy pa ang pagliligis hanggang tuluyang humalo ang cheese sa patatas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino