Braised Baby (Chinese) Cabbage in Broth

2018-06-20 15:54:47

Braised Baby (Chinese) Cabbage in Broth

Mga Sangkap:

Baby cabbage (tumitimbang ng mga 400 grams)

1 preserved egg

1 bell pepper

1 bowl ng chicken broth

Green onion (tinadtad)

Mga piraso ng bawang

Mixture of cornstarch and water

Paraan ng Pagluluto:

Hugasan at hiwain nang pahaba at sa 4 na bahagi ang baby cabbage. Itabi muna pagkatapos.

Hugasan ang buksan ang bell pepper para matanggal ang mga buto tapos gayatin nang pakuwadrado at itabi muna.

Hugasan ang preserved egg pagkaraang matanggal ang balat tapos hiwain nang pa-cube.

Mag-init ng mantika sa kawali. Igisa ang mga piraso ng bawang sa loob ng mga 5 seconds hanggang sa lumutang ang bango. Ibuhos ang chicken broth at pakuluin. Idagdag ang baby cabbage at ang preserved egg at pakuluan sa loob ng 2-3 minutes hanggang lumambot ang cabbage.

Bawasan ang apoy at hanguin ang cabbage at ilipat sa isang bowl.

Dagdagan muli ang apoy tapos ilagay ang bell pepper at pakuluan sa loob ng 1 minuto. Lagyan ng asin at palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng mixture of cornstarch and water. Patayin ang apoy tapos ibuhos ang malapot na chicken broth sa baby cabbage.

Budburan ng tinadtad na green onion bago ihain.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino