Broccoli with Lime

2018-09-17 14:51:30 CRI

Mga Sangkap

1 ulo ng broccoli, pinaghiwa-hiwalay ang mga floret at hinugasan

1 kutsara ng katas ng lime

1 kutsara ng ginayat na balat ng lime

4 na butil ng bawang, pinitpit

½ tasa ng sabaw ng manok

1 kutsarita ng asin

1 kutsarita ng pamintang durog

4 na kutsara ng vegetable oil

Paraan ng Pagluluto

Initin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang. Idagdag ang broccoli at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 1 minute. Ibuhos ang sabaw ng manok katas ng lime at isama ang ginayat na balat ng lime. Haluhaluin.

Bawasan ang apoy at takpan sa loob ng 5 minutes. Kung hindi pa luto ang broccoli, haluhaluin at takapan pa sa loob ng 2minutes. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Ihain habang mainit.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino