Duck and Salted Cabbage Soup

2018-11-14 15:06:02

Duck and Salted Cabbage Soup


Mga Sangkap:

500 grams ng salted cabbage

4 cups ng sabaw ng giblets (mula sa laman-loob at carcass ng pato)

1-2 chicken stock cubes (optional)

1 malaking kamatis (ginayat nang patulis o wedge-shape)

Puting paminta

Paraan ng Pagluluto:

Ibabad ang salted cabbage sa malamig na tubig sa loob ng isang oras (palitan ang tubig dalawa o tatlong ulit habang ibinababad ang cabbage). Pagkababad, pigain para maalis ang moisture. Banlawan sa running water tapos pigain uli.

Kung sa tingin ninyo ay kulang pa sa linamnam ang sabaw ng pato, dagdagan ito chicken cubes tapos idagdag ang cabbage at ilaga sa loob ng 30 minutes. Idagdag ang kamatis at ituloy pa ang paglalaga sa loob ng 5 minutes. Budburan ng angkop na dami ng white pepper at isilbi.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino