Braised Chicken in Brown Sauce

2019-01-15 14:38:37

Braised Chicken in Brown Sauce


Pangunahing Sangkap:

1 buong manok, tumitimbang ng mga 600-700 grams

Seasonings:

200 grams ng vegetable oil

30 grams ng blackwood mushrooms, ibinabad sa tubig

30 grams ng tuyong labong, ibinabad sa tubig

30 grams ng dry lily, ibinabad sa tubig

2 itlog, puti lang ang gagamitin

10 grams ng asin

20 grams ng asukal

20 grams ng soy sauce 

30 grams ng shallot

50 grams ng wheat flour

10 grams ng bawang, ginayat

30 grams ng mixture of cornstarch and water

Paraan ng Pagluluto:

Hiwain ang manok nang pa-cube sa sukat na 3 centimeters ang bawat gilid tapos ilagay sa isang palangganita o malalim na plato. Idagdag ang wheat flour, puti ng itlog at asin tapos haluin.

Mag-init ng 80 grams ng vegetable oil sa kawali. Iprito ang balot ng wheat flour na chicken cubes. Hanguin pag golden brown na ang kulay.

Initin ang natitirang vegetable oil. Igisa ang shallots at bawang. Idagdag ang day lily, blackwood mushroom, labong, soy sauce, asin, asukal at ang ipiniritong  chicken cubes. Bawasan ang apoy at kulubin sa loob ng 30-35 minutes.

Idagdag ang mixture of cornstarch and water. Dagdagan ang apoy para sumingaw ang ibang sabaw. Pag nag-evaporate na ang 90 percent ng sabaw, hanguin at ihain.

Pwede ring wisikan ng 10 grams ng sesame oil para madagdagn ang bango at kulay ng chicken cubes.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino