Braised Ribbon Fish in Brown Sauce

2019-02-27 10:53:04

Braised Ribbon Fish in Brown Sauce


Pangunahing Sangkap:

2 ribbon fish

Seasonings:

80 grams ng vegetable oil

1 itlog

5 grams ng tinadtad na shallot

10 grams ng tinadtad na bawang

5 grams ng tinadtad na luya

10 grams ng cooking wine

20 grams ng suka

20 grams ng soy sauce

5 grams ng asin

10 grams ng asukal

20 grams ng mixture of cornstarch and water

100 milliliters ng tubig na panabaw o sabaw

Paraan ng Pagluluto:

Linisin ang mga isda, tanggalin ang lamang-loob at hiwa-hiwain sa sukat na 8 centimeters. Batihin ang itlog sa isang bowl tapos ilagay ang mga piraso ng isda. Halu-haluin para malagyan ng itlog ang lahat ng mga piraso ng isda.

Initin ang vegetable oil sa kawali at iprito ang isda hanggang magkulay brown.

Sa isang kaserola, ilagay ang shallot, luya, bawang, asin, asukal, cooking wine, tubig na panabaw o sabaw at ang piniritong mga piraso ng isda. Pagkulo ng tubig, takpan ang kaserola, bawasan ang apoy at kulubin sa loob ng 5-8 minutes. Ihain pag lumapot na ang sabaw.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino