Mandarin Fish with Mushrooms and Bamboo Shoots

2019-04-15 14:48:55 CRI

Pangunahing Sangkap

1 Mandarin fish, na tumitimbang ng mga 750 grams

200 grams ng sliced bamboo shoots

10 mushrooms

Seasonings

30 grams ng vegetable oil

20 grams ng sausages

10 grams ng tinadtad na scallions

10 grams ng tinadtad na luya

20 grams ng red chillis

10 grams ng ginayat na bawang

5 grams ng asin

5 grams ng asukal

20 grams ng cooking wine

10 grams ng soy sauce

Paraan ng Pagluluto

Linisin ang isda. Hiwaan ang magkabilang tagiliran para sa mabuting absorption ng seasoning. I-marinate sa pinaghalu-halong cooking wine, asin, asukal at toyo sa loob ng 10 minutes.

Hugasan ang bamboo shoots at mushrooms. Gayatin nang manipis at ibudbod nang pantay sa ibabaw ng isda. Pasingawan ang isda sa loob ng 10 minutes.

Hiwain nang manipis at pahaba ang sausages at tadtarin ang red chillis. Ibudbod sa ibabaw ng isda kasama ng tinadtad na scallions at luya.

Initin ang mantika at ibuhos sa pinasingawang isda bago ihain.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino