Kultura ng pag-inom, mahalaga sa negosyo

2016-08-19 18:22:10

Simula pa noong sinaunang panahon, malaki na ang ginampanang papel ng pag-inom ng alak sa pagbuo ng relasyon sa pagitan ng ibat-ibang lahi at bansa. Kung matatandaan natin, nang dumating ang mga Kastila sa ating dalampasigan noong 1500's, nakipagkaibigan ang mga ito sa ating mga sinaunang hari at sultan sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, at pag-inom ng alak.

Sa pagdaan ng maraming taon, hindi kumupas ang importansya ng kagawiang ito sa kulturang Pilipino. Sa tuwing may kasiyahan o pagdiriwang, ang mga kalalakihan ay umiinom; ito raw kasi ay isang paraan upang maging madali ang pagkakaibigan; dahil ito ay paraan upang makilala ang tunay na ugali ng isang tao at isa ring paraan upang magkaroon ng katuwaan.

Kapareho nating mga Pinoy, ang mga Tsino ay ganoon din. Libong taon na ang kasaysayan ng pag-inom ng alak dito sa Tsina. Sa kasalukuyan, mahilig pa ring uminom ang mga Tsino, at sa maniwala kayo o sa hindi, ang pag-inom ng alak ay isang paraan upang mapalago ang negosyo, o sa madaling salita ginagamit “to close” business deals.

Ayon sa online magazine na “Guide in China,” “alcohol can lubricate deal-making and consensus-building around the world, but, it's particularly powerful in China.”

Dagdag pa ng naturang magazine, ayon sa China Youth Daily Survey, 82% daw ng mga kabataang Tsino ang naniniwala na ang pag-inom ng alak ay esensyal na bahagi ng kanilang career development; kung minsan ay mahalaga ito sa pagpasa sa kolehiyo, at job interviews. 

Sa tradisyonal na paraan, ang mga tinatawag na “business drinkers” sa Tsina ay magtitipon at iinom kapag hapunan: ibig sabihin, hindi matatapos ang inuman habang hindi tapos ang hapunan.

At ayon pa rin sa tradisyon, ang bawat isa ay kailangang gumawa ng toast sa lahat bilang tanda ng pagiging magalang at pagpapakita ng pagpapahalaga sa lahat.

Syempre, kailangang pangunahan ng host ang pagto-toast, kasunod ng isang welcome speech. Susundan ito ng ibat-ibang tao o grupo na magko-cross toast habang kumakain.

Tulad ng host, ang mga nais gumawa ng toast ay tatayo at lalapit sa taong gusto niyang i-toast at maari ring gumawa ng maikling pananalita, papuri at pasasalamat. Dito nagsisimula ang pagkakaibigan at pagpasok ng usapan sa negosyo.

Para naman sa mga kabataan, tulad din sa ating mga Pinoy, hindi mo makikita ang ganitong pormalidad sa pag-inom.

Ayon pa rin sa China Youth Daily Survey, 84% ng mga kabataang Tsino ang ayaw sa obligadong pag-inom. Mas gusto nilang uminom sa kanilang sariling terms, at mas trip nila ang pag-inom sa mga bar, café, at bahay kasama ang mga kaibigan. Marami rin sa mga kabataang Tsino ang ayaw sa pag-inom kapag nasa trabaho. Ayon sa kanila, nakakasagabal ang pag-inom sa klaridad ng pag-iisip sa trabaho.

Ayon kay Xin Ran (24), isang Arkitekto sa kompanyang Megvii sa Beijing, “many investors ask me out for my insight into the industry, often in cafes and tea houses. How could they process all the complicated information if they are tipsy?”

Sabi naman ni Qiushi Jin (24), may ari ng isang e-commerce start-up sa lunsod ng Hangzhou, “the speed of deal-making is faster than ever, especially for e-commerce. Instead of wasting my time on drinking, I'd rather cut the crap and go straight to real business.”

Ayon kay Xiyi Chen (25), importer ng prutas mula sa timog silangang Asya at Aprika patungo sa China, “the era is gone when you could get business done with a silver tongue and a crazy capacity to drink. Now, you have to present real stuff. I've noticed that those who can survive in the old-fashioned way are fleeing to countries like Vietnam, where people drink like the way Chinese used to.”

Pero, syempre, tulad ng sabi natin kanina, libong taon na ang kasaysayan ng pag-inom sa Tsina, kaya naman hindi maaring baguhin ng mga kabataan ang ganitong tradisyon sa loob ng maikling panahon. 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino