Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino

2016-12-17 12:43:27

Si Domingo Lamco, o Ke Yi Nan sa Wikang Tsino ay ang great great grandfather ni Pepe sa kanyang ama, at siya ay nagmula sa Shang Guo Village ng County-Level City ng Jinjiang, Probinsyang Fujian, sa dakong timog silangan ng Tsina.

Dahil sa kabayanihan at dakilang sakripisyo ni Pepe upang mapalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga mapang-alipustang Kastila, si Pepe ay ipinagmamalaki ng mga Tsino, saan mang dako ng mundo dahil ang kanyang ninuno ay nanggaling sa Tsina.

Sa pagtutulungan ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Tsina, ipinatayo noong 2003 ang monumento ni Pepe sa lupang tinibuan ng kanyang ninuno, Shang Guo Village, Jinjiang, Probinsyang Fujian, Tsina.

Ang monumentong ito ay isang dakila, di-matitinag at maningning na simbolo ng di-mapaghihiwalay na pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino


Inskripsyon sa bantayog ni Pepe sa Jinjiang

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino

 Bantayog ni Pepe

Bukod pa riyan, ang Jinjiang, ay ang lugar kung saan nagmula ang mga angkan ng karamihan sa mga Pilipinong may dugong Tsino, na gaya ng mga Filipino-Chinese business tycoon na sina Henry Sy, Andrew Chan, Lucio Tan, Tony Tan Caktiong, Carlos Chan, Lucio at Susan Co, at Emilio Yap.

Kaya naman, napakalaki ang papel na ginagampanan ng lugar na ito sa pag-unlad ng relasyon at pagpapalitan ng Pilipinas at Tsina nitong ilang daang taon nakalipas.

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino

Kamangha-manghang bagay hinggil sa relasyong Sino-Pilipino

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino