AIIB, ano nga ba ito?

2017-03-04 17:30:48

 

Noong nakaraang linggo ay bumisita sa tanggapan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI) sa Beijing ang Saceda Youth Lead, isang leadership institution ng Pilipinas at siyang humuhubog sa mga future leaders n gating bansa.

Pero, hindi lang po tanggapan ng Serbisyo Filipino ang kanilang binisita. Bilang bahagi ng kanilang pag-aaral sa Beijing, tinungo rin ng mga kabataan ang tanggapan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at nakipagpulong sa isa sa 4 na Pilipinong nagtatrabaho roon. Pero, bago natin tunghayan ang kuwentong iyan, ano nga ba ang AIIB?

Ang “AIIB” o Asian Infrastructure Investment Bank, ay isang bagong multilateral development na bangkong unang isinulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ito ay hindi pag-aari ng Tsina at pag-aari ng 57 “Founding Members,” kabilang na ang Pilipinas. Tama po ang inyong narinig, isa sa mga founding member ng AIIB ay Pilipinas.

Ang trabaho ng AIIB ay suportahan ang proseso ng interkoneksyon at integrasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko. Ito ay itinayo noong October 24, 2014. Ang AIIB ay may kapital na 0USD bilyon, na mula sa mga founding member nito.

Sinu-sino ang mga founding member nito?

Kabilang sa mga founding members ay China, India, Thailand, Malaysia, Singapore, PIlipinas, Pakistan, Bangladesh, Brunei, Cambodia, Kazakhstan, Kuwait, Laos, Myanmar, Mongolia, Nepal, Oman, Qatar, Sri Lanka, Uzbekistan, Vietnam, UK, France, Germany, Italy, New Zealand, at iba pa.

Ano naman ang pakinabang sa bangkong ito?

Popondohan ng AIIB ang mga proyektong may kaugnayan sa infrastructure development at mag-i-invest din sa ibat-ibang proyekto para suportahan ang economic development ng Asya. Marami sa mga bansa sa Asya ang nangangailangan ng malaking investment para mapasulong ang mga basic infrastructure na tulad ng elektrisidad, access sa tubig na maiinom, pasilidad sa sanitasyon, at transportasyon. Ang AIIB, na may 0USD billion na registered capital, ay inaasahang magbibigay ng malaking tulong sa pag-unlad ng rehiyon.

Tulad ng nasabi natin kanina, may 4 na Pinoy na nagtatrabaho sa AIIB, at isa sa kanila ay si Lazaro (Larry) L. dela Cruz Jr., Senior Budget Management Specialist ng AIIB. Alam po ninyo, si Larry ay isang napakamakabayang tao. Bagamat matagal siyang nanatili sa Amerika, ang kanyang puso ay nanatiling Pinoy. Sa kanyang talumpati sa harap ng delegasyon ng Saceda Youth Lead, ipinagdiinan niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan, pagiging totoo sa sarili at importansya ng pag-aaral para sa kinabukasan.

AIIB, ano nga ba ito?


Lazaro L

AIIB, ano nga ba ito?

Delegasyon ng Saceda Youth Lead habang bumibisita sa AIIB - Photo Xue Mingyang

AIIB, ano nga ba ito?

Laurel Ostfield, Head of Communications and Development ng AIIB


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino