Asian Media Cooperative Organization, isang posibilidad

2017-04-05 17:33:04

 

Sa pagtataguyod ng Boao Forum for Asia (BFA), China Radio International (CRI) at China Public Diplomacy Association, idinaos Huwebes, Marso 23, 2017 sa Boao, Hainan Province ang taunang BFA Media Roundtable kung saan pinag-usapan ang paglalatag ng pundasyon sa pagtatatag ng isang Asian Media Cooperative Organization (AMCO) na mag-i-interkonekta sa lahat ng organisasyon ng media sa loob at labas ng Asya.

Asian Media Cooperative Organization, isang posibilidad

Boao Forum for Asia


Asian Media Cooperative Organization, isang posibilidad

 Media Roundtable ng 2017BFA

Layon ng AMCO na magtayo ng isang mapagkakatiwalaang internasyonal na kooperatibong plataporma para sa kooperasyon, pagpapalitan at magkakasamang pagsasahimpapawid ng mga balita, impormasyon, at ibat-ibang kultural na programa.

Sa panayam ng Serbisyo Filipno kay Maria Elizabeth Raymundo, Acting Chief ng News Division at Public Affairs Division ng Philippine Broadcasting Service, sinabi niyang gaganap ng mahalagang papel ang AMCO sa integrasyon ng media, pamahalaan, at kakayahan ng mga pribadong negosyo para i-promote ang epektibong multinasyonal at multirehiyonal na pagpapalaganap ng impormasyon.

Asian Media Cooperative Organization, isang posibilidad

Maria Elizabeth Raymundo, ActingChief ng News Division at Public Affairs Division ng PhilippineBroadcasting Service

Asian Media Cooperative Organization, isang posibilidad

Mula sa kaliwa Rhio, Sissi atElizabeth

Dagdag pa ni Raymundo, malaki ang maitutulong ng AMCO, sa pagbabahaginan ng kaalaman, pagpapalitan ng tauhan, impormasyon, teknolohiya, at kultura, upang maisakatuparan ang mga layuning tulad ng pagsusulong ng komong kaunlaran ng media ng Asya, pagpapalakas ng pangkalahatang pagsasahimpapawid at internasyonal na impluwensya, at pagbibigay-kontribusyon upang maitayo ang isang "Komunidad ng Asya na may Komong Kaunlaran."

Aniya pa, sakaling maitatag sa malapit na hinaharap, ang AMCO ay magiging integral na behikulo upang mapalalim ang pagkakaunawaang pangkultura at pang-impormasyon ng mga mamamayang Pilipino at Tsino sa pamamagitan ng isang mabisang plataporma sa pamamahayag.

Sa pamamagitan ng matibay at walang-patid na impormasyon, palalakasin din ng AMCO ang mga aktibidad na pang-negosyo sa pagitan ng mga bansang nakapaligid sa kahabaan ng Belt and Road, dagdag ni Raymundo.

Sa kanya namang pambungad na talumpati, sinabi ni Yang Xiyu, Deputy Director ng Instituto ng BFA, na ang Asya ay may napakahalagang papel sa pag-unlad ng ekonomiya ng buong mundo, kaya nararapat lamang na palakasin ng Asya ang kakayahan nito sa larangan ng pamamahayag upang maiparinig sa daigdig ang boses ng Asya hinggil sa mga isyung mahalaga para sa pag-unlad ng kultura, ekonomiya at marami pang iba.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino