Tsina, magiging pangunahing pinagmumulan ng turista ng Pilipinas

2017-04-07 17:44:51

 

Sa pangunguna ng Department of Tourism (DoT) - Beijing Office at Tourism Promotions Board (TPB), idinaos kamakailan sa Hilton Hotel Beijing ang Philippine Tourism Presentation and Table-top Meetings upang i-promote ang turismo ng Pilipinas sa Tsina at palakasin ang pagtutulungan at pag-uugnayan ng mga tourism operators ng kapwa panig.

Dito, sinabi ni Embahador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, bagong Sugo ng Pilipinas sa Tsina, na mahalaga ang pangyayaring ito, kasi inaalok nating pumunta ang mga turistang Tsino sa Pilipinas, at sila ngayon [ang inaasahang] magiging pangunahing turista sa [ating bansa].


Tsina, magiging pangunahing pinagmumulan ng turista ng Pilipinas

Embahador Jose Santiago “Chito” Sta. Romana

Tsina, magiging pangunahing pinagmumulan ng turista ng Pilipinas

Embahador Jose Santiago"Chito" Sta. Romana (kaliwa) at Rhio Zablan(kanan) ng Serbisyo Filipino

Ani Sta. Romana, isang importanteng bagay ang nasabing pagtitipon, dahil malaki ang pagpapahalagang ibinibigay ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasulong ng turismo.

Samantala, ipinahayag ni Niel P. Ballesteros, Tourism Attaché ng Pilipinas sa Tsina, na ang target ngayon ng DoT ay tumanggap ng 1 milyong turistang Tsino at ito ay isang target na kayang-kayang abutin.

Tsina, magiging pangunahing pinagmumulan ng turista ng Pilipinas

Niel P

Idinagdag ni Ballesteros, na ayon sa China National Tourism Administration (CNTA), lubhang maliit ang 1 milyon, at iminungkahi nitong itaas sa 2 milyong turistang Tsino ang target ngayong taon.

Ani Ballesteros, ibinibigay ng panig Tsino ang buo at matatag na suporta sa Pilipinas upang maisakatuparan ang layuning ito.

Aniya, kabilang sa mga insentibong alok ng Pilipinas sa mga turistang Tsino ay respsyon sa paliparan, hapunan bilang pagtanggap, ibat-ibang regalo, palabas at pagtatanghal, etc.

Bukod pa riyan, mayroon na rin aniyang plano ang Pilipinas upang magtayo ng outsourcing office sa mga malalaking lunsod ng Tsina para mapabilis at maging episyente ang pagbibigay ng VISA para sa mga Tsino.

Dagdag pa niya, pinaplano na rin ang pagpapahaba ng validity ng VISA para sa mga Tsino, pagbibigay ng VISA-on-Arrival, at No VISA Policy para sa mga Tsinong gustong magbakasyon sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, kung ang isang Tsino ay may balidong VISA mula sa Amerika, Japan, Australia, Canada, at mga bansang Europeo (Shengen), hindi na niya kailangang kumuha ng VISA mula sa Pilipinas, at maari siyang manatili sa bansa, sa loob ng isang linggo, ani Ballesteros.

Ayon naman kay Maricon B. Ebron, Manager of International Promotions Department ng Tourism Promotions Board (TPB), malaki ang pag-asang ma-unahan ng Tsina ang Timog Korea bilang pangunahing pinanggagalingan ng turista ng Pilipinas. Aniya, seryoso ang Pilipinas na tanggapin at bigyan ng ka-aya-aya at di-malilimutang karanasan ang mga turistang Tsino sa kanilang pagdalaw sa Pilipinas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino