Kawayan at Rattan para sa Kaunlaran - Kabanata I

2017-06-29 16:13:56

Ang Pilipinas ay isa sa iilang bansa sa mundo na pinagpala ng kalikasan. Sabi nga nila, magtapon ka lang ng buto ng kahit anong halaman, ito ay tutubo at mamumunga.

Mayaman ang lupa ng Pilipinas, mayroon din itong sapat na ulan at araw na tamang-tama sa pagyabong ng mga pagkaing-butil, namumungang punung-kahoy, pag-usbong ng mga tropikal na kagubatan at siyempre, pagtubo ng kawayan at rattan.

Alam po ba ninyo na sa mga bansang Timogsilangan, Silangang Asya at ilang bansang Aprikano lamang tumutubo ang kawayan, samantalang, eksklusibong sa Timogsilangan at Silangang Asya lamang matatagpuan ang rattan?

Ang Pilipinas at Tsina ay dalawa sa mga bansang pinagpalang magkaroon ng dalawang halamang ito.

Para sa ating programa ngayong gabi, tatalakayin natin ang mga pakinabang na dulot ng mga halamang ito sa buhay ng mga tao tungo sa sustenable, balanse at berdeng pag-unlad, at ang misyon ng International Network for Bamboo and Rattan (INBAR) upang makamtan ng buong mundo ang layuning ito.

Nakabase rito sa Beijing, Tsina ang INBAR at layon nitong tulungan ang lahat ng bansa sa mundo upang magkaroon ng sustenable, balanse at beredeng pag-unlad sa pamamagitan ng kawayan at rattan. Eh, paano naman nila magagawa ito? Para yatang napakahirap namang isulong ang misyong ito ano po?

Kamakailan ay nagtungo ang inyong lingkod sa opisina ng INBAR sa Wangjing, Beijing upang kapanayamin si Dr. Hans Friederich, Director General ng INBAR upang ipaliwanag ang kanilang mga sustainable development goals (SDG) at kanilang  mga pamamaraan. Pakinggan po natin ang unang bahagi ng ating 2-part special hinggil sa INBAR at kaunlarang idinudulot nito sa pamamagitan ng kawayan at rattan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino