Kasaysayan at mga pambihirang pangyayari sa relasyon ng Pilipinas at Tsina

2017-08-03 17:41:12

Tulad ng Pilipinas, ang Tsina ay isang lugar kung saan makikita ang maraming magagandang lugar at pambihirang kaganapan, sa nakalipas na 4,000 taon. Sa loob ng panahong iyan, napayabong ng mga ninunong Pilipino at Tsino ang pagkakaibigan, pag-uunawaan at pagpapalitan ng dalawang panig sa maraming larangan, libu-libong taon bago pa man tumapak ang mga mapanakop na Espanyol, Amerikano at Hapones sa dalampasigan ng Pilipinas. Sa episode na ito ng DLYST, muli nating susubukan sulyapan at balik-tanawin ang kasaysayan at pambihirang mga pangyayari tungkol sa pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino, nitong nakalipas na mahigit isanlibong taong nakalipas.

Kung tatanungin ninyo ang mga Pinoy na naririto sa Beijing o iba pang malalaking lunsod ng Tsina, malimit ninyong maririnig sa kanila na talagang ligtas o safe ang Beijing. Totoo po iyan! Sa loob ng 7 taon ko pong pananatili at pagtatrabaho sa lunsod na ito, iyan po ang aking maipagmamalaki. Kahit disoras ng gabi at gusto ninyong maglakad-lakad sa kalye, wala pong gagambala sa inyo at makikita ang mga pulis sa halos lahat ng kanto. Dahil sa mga security meaures na ginagawa, kasama na rin ang aktibong pakikisangkot ng mga mamamayan, napapanatiling ligtas, at sumusunod sa batas ang mga taga-Beijing. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ang Beijing ay kilala sa mundo at paboritong pasyalan ng maraming turista mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Siyempre, hindi lang ang mataas na seguridad ng lunsod ang pinupuntahan ng mga tao, naririto rin kasi ang mga lugar na testimonya ng halos 4,000 kasaysayan ng Nasyong Tsino, tulad ng Great Wall, Forbiden City, Tian'anmen Square, Temple of Heaven, Summer Palace, at marami pang iba.

Speaking of kasaysayan, alam po ba ninyo na malaki ang posibilidad na ang Tsina ang unang kaibigan at trade partner ng Pilipinas?

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, noong Oktubre 30, 2001, sinabi ni dating Pangulong Jiang Zemin ng Tsina, na “The Chinese and Philippine peoples have had a time-honored friendly relationship since the Tang Dynasty (618-907).”
Ayon naman sa website ng chinabusinessphilippines.com, “China and the Philippines have a long and fruitful history. The relationship between the two countries began during the Tang Dynasty (618-907 AD), many years before the Spanish set foot on Philippine soil.
Contact was first made by Chinese merchants who traded and bartered with the natives. Even after the Spanish and the American occupation hundreds of years later, this relationship continued, bolstered by the unique and vital role played in the Philippines by immigrants from China and their descendants.”

Naniniwala rin ang mga Pilipinong historian na nagsimula ang relasyong Pilipino-Sino noong 9th century, sa panahon ng Tang Dynasty ng Tsina.

Maraming Tang Dynasty stoneware ang natagpuan sa Babuyan Islands, baybayin ng Ilocos, Pangasinan, Mindoro, Batangas, Manila, Bohol, Cebu, Jolo, at Cagayan de Oro. Ibig sabihin, noong panahong iyan, mayroon nang kaugnayan ang mga sinaunang Pilipino sa mga sinaunang Tsino.

Ayon naman sa ulat ng Rappler noong March 6, 2015, sinabi ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na "Chinese and Filipino people "began friendly exchanges over 1,000 years ago."

Sinabi ni Zhao na noong panahong iyan, ang mga Pilipino ay nag-angkat ng seda mula sa Tsina, samantalang inangkat naman ng mga Tsino mula sa Pilipinas ang mga tanim na gaya ng mais, patatas, at kamatis. Dagdag pa ni Zhao, ayon sa Philippine statistics, 1.5% ng mga Pilipino ay may dugong Tsino.

"This clearly shows that our two nations are intertwined by both strong kinship and historic ties," aniya

Dagdag pa riyan, alam ba ninyong isa sa ating mga sultan ang minsang naging matalik na kaibigan ng Emperador Yongle ng Ming Dynasty ng Tsina (1368 A.D.-1644 A.D.)? At di lang iyan mga pengyou, ang sultan na ito ay nakalibing sa probinsyang Shandong ng Tsina at magpahanggang ngayon, binabantayan pa rin ng kanyang mga inapo ang musoleong ipinatayo para sa kanya ng Yongle Emperor ng Dinastiyang Ming.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino