In Between Spaces: sining tungo sa mas mahigpit na pagkakaibigang Pilipno-Sino

2017-08-24 15:50:00

Tunay na kapansin-pansin ang mga positibong bunga ng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina noong Oktubre 2016.

Dahil dito, bumalik sa tamang landas ang relasyon ng dalawang bansa, muling sumigla ang negosyo at pagpapalitang pangkultura, at marami pang iba.

Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, marami pa ring mga kaibigang Tsino ang hindi nakakakilala sa tunay na kulay, sa tunay na kutura at kagawian ng mga Pilipino.

Pero, salamat kay Harry Woo, Curator ng art exhibit na “In Between Spaces,” at Columbia Global Centers Beijing, mas marami na ngayong kaibigang Tsino ang makakaalam sa kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng sining.

Ayon kay Harry Woo, layon ng “In Between Spaces” na magpanday ng mas matibay na kultural na koneksyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapakilala ng kontemporaryong sining ng Pilipinas sa mga kaibigang Tsino gamit ang  video at potograpiya.

Aniya, sa kanyang pananatili at paglilipat-lipat ng tirahan sa mga lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai, Hong Kong, at Manila, nakita niyang may mga puwang sa mga tsanel ng komunikasyon at pagkakaunawa sa isat-isa ng mga Pilipino't Tsino. Ito rin ang dahilan kung bakit pinangalanan niyang “In Between Spaces” ang naturang exhibit.

Aniya, nais niyang punan ang puwang na ito at maging tulay sa mas maiging pagkakaunawaan, mas mainam na komunikasyon, at mas malalim na pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.

At sa pamamagitan aniya ng In Between Spaces, maipaglalapit at mapapalalim ang kultural na pagkaunawa ng mga Tsino sa mga Pilipino.

Dala ng naturang kultural na exhibit ang mga obra ng 4 na contemporary Filipino artist, kung saan ipinakikita ang mga temang tulad ng tradisyon at modernidad; kolektibo at  personal na ala-ala; at kamulatan na matutuklasan sa kalunsuran. 

May posibilidad na masagot ng In Between Spaces,  ang mga tanong na gaya ng 'what constitutes Philippine art?' at 'how the works' themes relate to the Chinese society?'

Ang In Between Spaces ay binuksan, Agosto 19, 2017 sa Columbia Global Center Beijing at tatagal hanggang Setyembre 1, 2017.

Dumalo sa nasabing pagbubukas si Ms. Joan T. Pichay, Cultural Officer ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, mga kaibigang Tsino, mga Pilipino naninirahan sa Beijing, media at marami pang iba.

Ang apat na Pilipinong ito ay sina; Dex Fernandez, Paulo Vinluan, Jay Yao, at MM Yu. 


Ang artist na si MM Yu ay naninirahan at nagtatrabaho sa Manila. Gumagawa siya ng  mga semi-autobiographical na litrato at painting na nagpapakita ng kagandahan at kapangitan ng Manila. Ang mga subject ng kanyang mga litrato ay kadalasang makikita sa mga barangay kung saan siya at kanyang mga kaibigan nakatira. Isa sa kanyang mga kilalang obra ay pinamagatang “Thoughts Collected, Recollected” (2007). Ito'y binubuo ng imahe ng mga bagay na makikita sa urban environment, na inorganisa, at ginawang 20 handmade photobook. 

Si Dexter Fernandez ay nakatira sa Caloocan. Kabilang sa kanyang mga obra ay mga painting, drawing, mixed media works at vintage photography-inspired poster mula sa thrift shop.

Ang kanyang mga obra ay nai-exhibit na sa loob at labas ng Pilipinas.

Si Paolo Vinluan ay nakatira at nagtatrabaho sa New York. Ang kanyang estilo ay sumasalamin sa pinaghalong kultural at pisikal na pagbabago na dala ng pamumuhay sa Amerika at Pilipinas.

Si Jay Yao (Jose Campos III) ay nakatira sa Manila. Ginawa ni Jay ang kanyang thesis photography exhibit hinggil sa Canadian-Asian identity sa Hampshire College. Matapos magkolehiyo, nanirahan si Jay sa New York para lalo pang linangin ang kanyang kakayahan bilang alagad ng sining at nagpokus siya s potograpiya. Ang kanyang mga obra ay nagpapakita ng ibat-ibang tanawin at internasyonal na lugar sa ilalim ng temang “Identidad sa Isang Modernong Lipunan.”

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino