Bagay-bagay na mula sa Tsina Part I

2017-09-07 15:45:55

Ang Tsina ay isang bansang may mahigit 3,000 taong kasaysayan. At sa loob ng mahabang panahon na ito, naimbento ng mga Tsino ang maraming bagay at kagamitang may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao. Para sa episode na ito at sa susunod na episode ng DLYST, susubukan nating tingnan at suriin ang mga bagay-bagay at imbensyon na nagmula sa sinaunang Tsina, na patuloy pa rin nating ginagamit sa kasalukuyan.

•1.     Parol/ Deng Long/灯笼

Bagay-bagay na mula sa Tsina Part I


Ang parol o Deng Long ay ang tradisyonal na kagamitang pang-ilaw ng Tsina, na kumakatawan sa kahalagahan at kaligayahan.

Ang tradisyonal na Deng Long ay nababalutan ng manipis na papel at may nakasinding kandila sa loob. Tumatagos ang sinag ng kandila mula sa manipis na papel.

May ibat-ibang disenyo ang Deng Long.

Ang mga Deng Long ay pinipintahan ng magaganda at masusuwerteng kulay.

Sinisindihan ng mga Tsino ang ilang Deng Long bilang simbolo ng kaligayahan at suwerte tuwing Chinese New Year. Pinapanood din nila ang mga palabas ng Deng Long kasama ang pamilya tuwing Pestibal ng Parol.

Sa ngayon, ginagamit pa rin sa mga selebrasyon ang mga Deng Long.

Lumalaganap ang kahalagahan at kaligayahan sa ibat-ibang pamilya sa pamamagitan nito

 

•2.     Saranggola/ Feng Zheng/风筝

Bagay-bagay na mula sa Tsina Part I


Ayon sa alamat, nagmula ang inspirasyon ng saranggola o Feng Zheng sa isang ibong gawa sa kahoy na buong araw na lumilipad.

Malamang, ang inspirasyon sa paggawa ng Feng Zheng ay nakuha ng mga Tsino sa sombrerong tinangay ng hangin.

Ayon pa rin sa alamat, tinali ng isang heneral ang mga silbatong gawa sa kawayan sa isang malaking Feng Zheng na gawa sa balat ng baka.

Gumawa ito ng nakakatakot na tunog na nagpaatras sa kalaban.

Ayon naman sa ibang bersyon ng alamat, nagsulat ng mga importanteng mensahe ang heneral at ipinadala sa kanyang mga tropa gamit ang saranggola.

Ang pang-militar na gamit ng Feng Zheng ay isa lamang kuwentong-bayan.

Sa totoo lang, ang Feng Zheng ay isa lamang laruan.

Ang klasikong Feng Zheng ay gumagamit ng kawayan, rattan, o iba pang matibay, pero pleksibleng materyal para sa gulugod nito, at papel o magaang tela, tulad ng sutla para sa layag.  Ito ay pinapalipad gamit ang pisi o sinulid. Ang mga Tsino ay naglalagay ng magagandang dekorasyon sa kanilang Feng Zheng. Dahil dito, ang mga Feng Zheng ay naging gawang-sining.

Ang mga ito ay parang magagandang pintang lumilipad sa asul na langit.

 

•3.     Laro ng anino/ Pi Ying/皮影

Bagay-bagay na mula sa Tsina Part I


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino