Nihao Zhongguo: Mga pambihirang kaalaman tungkol sa Tsina (Part II)

2017-09-29 17:36:00

Ang Tsina ay isang bansang may mahigit 3,000 taong kasaysayan. At sa loob ng mahabang panahon, lumitaw mula rito ang mga pambihirang imbensyon, na magpahanggang ngayon ay malaki pa rin ang impluwensya sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Para sa episode na ito at sa susunod na episode ng DLYST, susubukan nating kilalanin ang ibat-ibang imbensyon mula sa Tsina na malaki ang naitulong ay kontribusyon sa pag-unlad ng sangkatauhan.

  • 1. Nong Li/ Kalendaryong Tsino
  • Nihao Zhongguo: Mga pambihirang kaalaman tungkol sa Tsina  (Part II)

Ang kalendaryong Tsino o Nong Li ay ang tradisyonal na kalendaryo ng Tsina, at kadalasang ginagamit sa agrikultura. Ayon sa Nong Li, ang buwang gasuklay ay lumilitaw sa unang araw ng kada buwan, at ang bilog na buwan naman ay lumalabas sa kalagitnaan ng kada buwan. Ang siklong ito ay tumatagal ng mga (humigit-kumulang) tatlumpung araw. Ayon sa magkakaibang posisyon ng araw, dalawamput apat na araw ang tanda ng dalawamput apat na dibisyon sa solar na taon ng Nong Li. Halimbawa, ang dibisyon na Li Chun o pagsisimula ng tagsibol ay nagpapaala-ala sa mga tao na parating na ang tagsibol. Ang Jing Zhe o paggising ng mga insekto ay nangangahulugang nagiging mainit na ang panahon. Ang Li Xia o pagsisimula ng tag-init ay ang panahon ng pag-usbong ng mga pananim. Ang Da Han o Dakilang Lamig ay ang katapusan ng mabagsik na taglamig. Lahat ng mga ito ay bumubuo sa isang siklo ng pag-ikot ng mundo sa araw. Ang ikatlumpung araw ng ikalabindalawang buwan ng Nong Li ay ang bisperas ng Bagong Taong Tsino; at ang susunod na araw ay ang Pestibal ng Tagsibol. Taun-taon, nararanasan ng mga mamamayan ang mga misteryo ng kalikasan ayon sa Nong Li.

  • 2. Zhi Nan Zhen/ Kompas
  • Nihao Zhongguo: Mga pambihirang kaalaman tungkol sa Tsina  (Part II)

Itinuturto ng kompas o Zhi Nan zhen ang hilaga at timog. Ito ay naimbento ng mga Tsino, 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga sinaunang Zhi Nan Zhen ay mukhang kutsara. Kapag ang kutsara ay inilagay sa ibabaw ng plato, ang hawakan nito ay tuturo patimog dahil sa magnetism. Di-naglaon, ang kutsara ay pinalitan ng karayom ng mga Tsino. Dahil dito, mas madali nang bitbitin ang Zhi Nan Zhen. Animnaraang taon na ang nakakaraan, pitong beses na naglakbay sa Timog-silangang Asya at Karagatang Indiyano si Zheng He, isang kilalang manunuklas at mandaragat na Tsino. Sa tulong ng Zhi Nan Zhen, naabot ni Zheng ang Pulang Karagatan. Ang imbensyong ito ay nakapagpasulong sa larangan ng nabigasyon sa dagat.

  • 3. Huo Yao/ Pulbura
  • Nihao Zhongguo: Mga pambihirang kaalaman tungkol sa Tsina  (Part II)

Ang pulbura o Huo Yao ay isa pang imbensyon ng sinaunang Tsina. Aksidente lamang ang pagkakatuklas nito. Mahigit isang libong taon na ang nakakaraan, natuklasan ito ng mga taong nag-e-eksperimento sa paggawa ng gamot. Nadiskubre nila na kung pagsasamahin ang takdang bahagi ng asupre, uling at potassium nitrate, ito ay sasabog. Binago ng pulbura ang estilo ng digmaan. Natapos ang panahon ng bakal at naging pangkaraniwang-gamit ang mga armas na gumagamit ng pulbura. Mahigit animnaraang taon na ang nakakaraan, ang mga sinaunang baril ay ginamit sa Tsina. Ang mga bala ng kanyon ay inilunsad sa pamamagitan ng pagsabog ng Huo Yao. Sa ngayon, karaniwan ding ginagamit ang Huo Yao sa mga paputok. Nakilala at umani ng paghanga mula sa mga manonood ang kagila-gilalas na mga paputok sa Olimpiyada ng Beijing.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino