Pasko sa Tsina

2017-12-29 15:56:24

  

 

Maligayang maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon po sa inyong lahat!

Sana naging masagana at masaya ang noche buena natin noong Pasko at sana, maging mapayapa at ligtas ang darating na pagdiriwang ng inyong Bagong Taon.

At siyempre, gaya ng lagi nating paalala taun-taon, ingat po sa paputok. Kami po rito sa Beijing, medyo kakaiba ang aming Pasko at Bagong Taon, hindi po kasi tradisyonal na kapistahan dito sa Mainland Tsina ang ating Pasko at Bagong Taon.

Hindi ipinagdiriwang ng mga Tsino ang mga araw na ito, pero magkagayunman, dahil sa pagbubukas ng Tsina at patuloy na pag-unlad ng lipunang Tsino, marami-rami na rin ang nagdiriwang ng mga araw na ito.

Kaya, bagamat, nami-miss ng inyong lingkod ang Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas, okay na rin dahil kahit paano ay sinisimulan na rin ng mga Tsino na ipagdiwang ang mga araw na ito.

Dahil panahon ng Pasko at Bagong Taon, ibig sabihin, panahon ng pagsasama-sama ng pamilya, kasiyahan at kainan. Kaya naman, nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga pagkaing inihahanda tuwing Pasko't Bagong Taon sa Tsina at iba pang piyesta opisyal.

Ang una ay:

•1.     Peking Duck/ Kao Ya/烤鸭

Pasko sa Tsina


Ang Kao Ya ay isang kilala at masarap na putaheng Tsino na may 1,600 taong kasaysayan.

Ang awtentikong Kao Ya ay nililitson sa hurnong ginatungan ng mga namumungang punong-kahoy. Kailangang mahigpit na kontrolin ang temperatura at oras ng pagluluto. Para maging malutong ang balat at malambot ang laman, kailangang ilabas sa hurno ang Kao Ya pagkatapos ng 50 minuto.

Kailangan ding hiwain sa mahigit 100 piraso ang Kao Ya, ilang minuto matapos itong ilabas sa hurno. Ang bawat hiwa ay may balat at laman.

Ang manipis na pabalat, kutsay, pipino, at iba pang espesyal na sarsa ay ginagamit bilang kompelento.

 

•2.     Tang Hulu/ Tang Hulu/糖葫芦

Pasko sa Tsina


Ang mga ito ay prutas ng hawthorn na binalutan ng asukal at paboritong kainin ng mga bata sa Hilagang Tsina tuwing taglamig.

Ayon sa alamat, 800 taon na ang nakakraan, may sakit at walang ganang kumain ang isa sa mga asawa ng emperador.

Iniutos ng doktor na pakainin siya ng 10 prutas ng hawthorn na pinakuluan sa kristal na asukal bago maghapunan, at gumaling siya sa loob ng kalahating buwan.

Di-naglaon, ang preskripsyon ay naipasa sa mga pangkaraniwang tao.

Ang mga prutas ng hawthorn ay tinutuhog at isinasawsaw sa mainit na arnibal.

Ang arnibal ay tumitigas na parang kristal, at bumabalot sa ibabaw ng prutas ng hawthorn.

Ito ay masarap at kagiliw-giliw na tradisyonal na meryendang madalas makita sa mga tindahan at kalye.

Ang prutas ng hawthorn ay maasim at ang asukal ay matamis. Ipinapa-alala nito sa mga Tsino ang kanilang masayang pagkabata.


•3.     Hotpot/ Huo Guo/火锅

Pasko sa Tsina