Beijing, billionaire capital ng mundo

2018-03-08 18:05:09

   

 

Parami nang parami ang bilang ng mga bilyonaryo sa buong mundo at ang Tsina ang nangunguna sa listahan, ito ang nakasaad sa 2018 Hurun Report, na isinapubliko kamakailan.

Hanggang Enero 31, may 2,694 na bilyonaryo sa 68 bansa, at ang bilang na ito ay mas mataas ng 437 kumpara sa bilang noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, ang Tsina ay may 819 na bilyonaryo, at ang bansang ito ang may pinakamaraming bilang.

Hindi lang po iyan, ito rin ang pinakamabilis sa pagkakaroon ng mga bagong bilyonaryo: ang Tsina ay nagkaroon ng 210 bagong bilyonaryo noong nakaraang taon.

Dagdag pa riyan, ang Beijing ang nagkamit ng titulong “Billionaire Capital of the World,” na tahanan ng 131 bilyonaryo, dagdag pa ng ulat.

Sa kabilang dako, nakatala rin sa ulat na ang Amerika ang may ika-2 pinakamaraming bilyonaryo sa mundo, sa bilang na 571, pero, 19 lamang ang nadagdag noong nakaraang taon.

Ang India naman ang ika-3, sa bilang na 131 bilyonaryo, at nagkaroon ito ng 31 noong 2017.

Umakyat ito ng isang puwesto, mula ika-4 noong 2016, sa ika-3 noong nakaraang taon. 

Kaugnay nito, nakuha naman ng Mumbai ang ika-8 puwesto sa city ranking, na may 55 billionaires.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga bilyonaryo sa Pilipinas mula 14 noong 2016, sa 12 noong 2017.


Ang Amerika ang siya pa ring nagdodomina sa  Hurun's list of the world's top-10 wealthiest individuals.

Pito (7) sa 10 pinakamayamang tao sa buong mundo ay mga Amerikano.

Si Jeff Bezos, 54, at founder at CEO ng Amazon, ang nangunguna sa net worth na US3 billion. Nagkaroon siya ng 71% na pagtaas ng yaman, sa year on year na basehan.

Sa kabilang dako, si Warren Buffett, 87, Chairman at CEO ng Berkshire Hathaway, ay nasa ika-2 puwesto, sa net worth na 2 billion. Siya ay may pagtaas na 31% kumpara noong nakaraang taon.

Si Bill Gates, 62, ay nasa ika-3 puwesto. Siya ay may net worth na billion, at may 11% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

Source: https://mp.weixin.qq.com/s?__biz=MzA3OTgwOTczMQ==&mid=2690079831&idx=3&sn=505486d9cab538bcbf319560be0f17da&chksm=ba0e21fb8d79a8ed10c8fa802e485ee5ac4ec2ef72986695bbf23ed20ecba832530a59b6bad4&mpshare=1&scene=1&srcid=0306WIVK4YcnM5Dkn0O0ueCG&pass_ticket=cfO51gg3xeOweAD8jJjSOJFLYpsmjt0t173Tge3Ui2ap1ibhVS1fsR%2FAGLL4td3W#rd

 

 

 

 

 

Nakaligtas dahil sa pagtatapon ng pera

 

 

 

Isang lalaking inatake sa puso sa labas ng istasyon ng tren sa gawing hilagang Tsina ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan dahil sa pagtatapon ng pera.
Ang nasabing lalaki, na nakilala lamang sa apelyidong Li ay bumibili ng tiket, sa istasyon ng tren sa Shijiazhuang, Lalawigang Hebei noong Sabado ng hapon, para bisitahin ang kanyang inang may karamdaman, nang bigla siyang nakaramdam ng sobrang pagsakit at paninikip ng dibdib.

Bukod dito, siya rin ay nagsusuka ng dugo, at hindi na kayang tumawag ng tulong para maka-inom ng gamot. Kaya, naisip niyang magtapon ng pera sa kanyang paligid, para makuha ang atensyon ng mga nagdaraan.

Epektibo ang ginawa ni Ginoong Li. Isang pulis na nagpapatrolya ang nakakita ng pangyayari at lumapit sa kanya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino