Pulitika ng Karapatang Pantao

2018-03-15 17:17:31

  

Isang mainit na isyu ngayon ang pagsasabi kamakailan ng United Nations  High Commissioner for Human Rights na kailangan umanong magpatingin sa utak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang mga ginagawang, di-umano ay paglabag sa karapatang pantao: ang tanong, lumalabag nga ba sa karapatang pantao si Pangulong Duterte?

Pulitika ng Karapatang Pantao

Sinabi ni Zeid Ra'ad al-Hussein (Jordanian Prince), UN High Commissioner for Human Rights, na "he needs to submit himself to some sort of psychiatric examination,” ito'y kaugnay ng di-umanong pananalita ng Duterte government na nais nitong ipadeklara bilang mga terorista ang isang UN investigator, dating abogadong Pilipino, at 4 na dating paring Katoliko.

Ayon pa rito kay Zeid, “this kind of comment is unacceptable, unacceptable.”

Dahil dito, kaagad namang pinagtanggol ng ibat-ibang sektor ng Pilipinas at maging ng pamahalaang Tsino si Pangulong Duterte.

Sa obdiyektibong pananaw, at sa totoo lang, walang karapatan itong si Zeid na magbitaw ng ganoong pananalita, lalung-lalo na, laban sa isang lider ng isang soberanong bansa.

Mukhang itong si Zeid, ay mis-informed, panig sa mga dilawan, o walang alam sa totoong nangyayari sa Pilipinas.

Kung ano man ang dahilan ng kanyang pagbibitaw ng hindi karapat-dapat na pananalita laban sa isang democratically elected na lider ng isang soberanong bansa, dapat sigurong humingi siya ng paumanhin dahil sigurado akong hindi siya tatantanan ng mga Pilipino sa buong mundo.

Mukha kasing ginagawang sandata ng mga kalaban ng pagbabago ang isyu ng karapatang pantao laban sa administrasyong Duterte, at pinupulitika nila ito, upang maging internasyonal na isyu at upang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte.

Well, sigurado akong hindi magtatagumpay ang mga kampon ng dilaw dahil hindi tama at walang magandang layon ang kanilang mga ginagawa.

Kaparehong Situwasyon sa Tsina

 

Pulitika ng Karapatang Pantao


Dito sa Tsina, hindi nagkakalayo ang situwasyon. Madalas i-single-out ng mga kanluraning bansa ang Tsina pagdating sa isyung ito, at madalas ding akusahan, bilang di-umano ay lumalabag sa karapatang pantao.

Bukod diyan, madalas din nilang ipinta ang Tsina sa internasyonal na media bilang may masamang kalagayan ng karapatang pantao. Sounds familiar, ano po?

Ganyan din kasi ang ginagawang estratehiya ng mga dilawan diyan sa atin: at itong mga ito ay suportado ng mga kanluraning bansa.

Halos 8 taon na po akong nakatira at nagtatrabaho rito sa Tsina, at ang aking pamilya ay Tsino, pero, ni minsan, hindi ko nakita ang mga paglabag sa karapatang pantao na sinasabi ng mga kanluraning bansa. Hmmm... Bakit kaya? Totoo ba ang sinasabi nila o sinisiraan lang nila ang Tsina, katulad ng ginagawa nila sa Pilipinas?

Magkahawig na magkahawig ang kanilang estratehiya sa Tsina at Pilipinas, kaya naman, hindi maalis sa isipan ko, na ang mga ito ay bahagi ng isang mas malaking plano upang muling madomina ng mga kanluraning bansa ang mundo, at mai-impose ang kanilang mga naisin sa lahat.

Una sa lahat, ang mga Tsino at hindi mga kanluranin ang nakakaalam sa tunay na kalagayan ng karapatang pantao sa Tsina.

 Pwede mong tanungin ang mga Tsino kung ano sa palagay nila ang situwasyon ng karapatang pantao sa kanilang bansa, at naniniwala ako, na sasabihin ng karamihan sa kanila na lubhang mas mabuti ang kalagayang ito, kumpara sa nakalipas na panahon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino