BFA, ano ba ito?

2018-04-13 17:08:18

Idinaos kamakailan sa Bo'ao, Probinsyang Hainan, Tsina ang taunang 2018 Bo'ao Forum for Asia, sa ilalim ng temang "Bukas at Inobatibong Asya para sa Ibayo Pang Kasaganaan ng Daigdig." Dumalo at nagtalumpati rito si Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan, inilahad niya ang mga hakbang ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng bansa at pamumuhay ng mga mamamayan, at bentaheng pangnegosyo.  Ipinahayag din ni Duterte na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa anumang bansa upang pasulungin ang pagkakaibigan at pag-unlad ng rehiyon at byong mundo.

Sa kanya namang keynote speech inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang hinggil sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina sa labas, ibayo pang pagpapalalim ng reporma, at paninindigan ng bansa sa pagpapasulong sa pagtatatag ng "community of shared future" para sa Asya at buong sangkatauhan, at pagbubukas ng magandang kinabukasan ng Asya at daigdig.

Ang BFA ay isang non-government, non-profit international organization, at isa sa mga pinakaprestihiyosong porum para sa mga lider ng gobyerno, negosyo, at academe ng Asya at iba pang rehiyon para sa pagbabahagi ng mga ideyang hinggil sa mga pinakaimportanteng isyu sa Asya at mundo.

Layon ng BFA na ipromote ang rehiyonal na integrasyong pang-ekonomiya, at ilapit ang mga bansa ng Asya sa kanilang pag-unlad.

Ang BFA ay sinimulang isulong noong 1998 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, dating Punong Ministrong Bob Hawke ng Australia, at dating Punong Ministrong Morihiro Hosokawa ng Hapon.

Pormal na naitayo ang BFA noong Pebrero 2001, at ang permanenteng tahanan nito ay ang Bayan ng Bo'ao, probinsyang Hainan ng Tsina.


BFA, ano ba ito?

BFA, ano ba ito?

BFA, ano ba ito?


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino