Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing

2018-07-19 17:49:42

 

 

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing

Idinaos noong nakaraang Lunes, Hulyo 9, 2018 sa Hilton Hotel, Beijing ang pagbubukas ng “Flavours of the Philippines” food festival.

Sa pagtataguyod ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing, at sa pakikipagtulungan ng Conrad Manila at Hilton Hotel-Beijing, dalawang Pinoy chef ang nagtungo sa lunsod upang ihanda ang mga putaheng Pilipino para sa mga kaibigang Tsino.

Inihanda nina Rodelio Dela Cruz at Michael Vincent Tapiador ang mga putaheng tulad ng Adobo, Sinigang, Pinakbet, Laing, Lechon, at marami pang iba upang maipakilala sa mga kaibigang Tsino kung ano ang kultura ng pagkain ng Pilipinas.

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing



Michael Vincent Tapiador

Ang nasabing pestibal ng pagkain ay itinanghal sa tanghalian at hapunan sa Makan Kitchen Restaurant, Hilton Hotel Beijing.


Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing

Kapistahan ng pagkaing Pinoy, idinaos sa Beijing




Mga handa 

Ito ay nagsimula noong Hulyo 9 at nagtapos Hulyo 15, 2018.

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na ipinagdiriwang ng Pilipinas sa taong ito ang Ika-120 anibersaryo ng kasarinlan ng bansa, at nakatakdang idaos ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang ibat-ibang aktibidad para rito.

“Sa pagtitipong ito, nais naming magdiwang [kasama ng mga kaibigang Tsino] sa pamamagitan ng pagpapakita ng aming maalab na pagtanggap sa hapag-kainan,” ani Sta. Romana..

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino