Tsina, pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas noong 2018

2019-03-13 18:26:09

  

 

 

“Sa taong 2018, ang Tsina ang siya nang naging pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas,” ito ang ipinahayag, Marso 11, 2019, ni Glenn G. Penaranda, Trade Attache ng Pilipinas sa Tsina, sa kanyang panayam sa Serbisyo Filipino ng China Media Group (CMG).

Tsina, pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas noong 2018


 Glenn G. Penaranda, Trade Attache ng Pilipinas sa Tsina



Ani Penaranda, ang puhunang ibinuhos ng Tsina sa Pilipinas sa nasabing taon ay nagkakahalaga ng Php50.69 bilyon (US5 milyon).

Tsina, pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas noong 2018


Bandila ng Pilipinas at Tsina


Ito ay tumaas ng 2,072%, kumpara sa Aprubadong Dayuhang Puhunan noong taong 2017, na nagkakahalaga lamang ng Php2.3 bilyon.

Winewelkam aniya ng Pilipinas ang nasabing pag-unlad dahil lilikha ito ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Dagdag pa ng diplomata, malaki ang kinalaman ng naturang pagsulong sa patuloy na paglakas ng kooperasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.

Ini-ugnay rin ni Penaranda ang pag-unlad na ito sa mga polisiyang pinag-u-usapan sa idinaraos na Liang Hui o Dalawang Sesyon, tulad ng pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa mga puhunang dayuhan, kagustuhan ng Tsina na maglagak ng puhunan sa mga kapitbansa sa Asya, pagpapa-ahon sa lahat ng Tsino mula sa kahirapan, paglinis ng kalikasan, Belt and Road Initiative (BRI), at pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.

Paliwanag ni Penaranda, dahil sa magandang tunguhin ng ekonomiya ng Tsina at episyenteng mga polisiya, patuloy na tumataas ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa mga kapitbansa, lumalakas ang pangangailangan upang maglagak ng puhunan sa labas, at nagbubukas ang ekonomiya ng Tsina sa mga puhunang dayuhan.

Dahil dito, ang pagluluwas aniya ng Pilipinas sa mainland Tsina at Hongkong noong 2017, ay umabot sa US.54 bilyon, at ito'y mas mataas ng 17.84% kumpara sa tinalikdang taon.

Samantala, ang pag-aangkat naman ng Pilipinas mula sa mainland Tsina at Hongkong sa parehong taon ay nagkakahalaga ng US.06 bilyon.

Dahil dito, napababa ang trade deficit ng dalawang bansa sa mga US.5 bilyon na lamang.

Dagdag pa ni Penaranda, noong 2018, ang pagluluwas ng Pilipinas sa mainland Tsina at Hongkong ay nagkakahalaga ng US.3 bilyon, at ito'y mas malaki ng 7.1% kumpara sa tinalikdang taon.

Ang nasabing datos ay katumbas ng 27% ng lahat ng pagluluwas ng Pilipinas sa ibayong dagat.

Sa kabilang dako, sinabi ni Penaranda na batid ng Pilipinas ang mga pagbabago sa pandaigdigang entablado ng pamumuhunan at negosyo, pati na rin ang mga naka-umang na balakid sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig; kaya naman, sinusubaybayan aniya ng Pilipinas ang mga pangyayari sa Liang Hui o Dalawang Sesyon dahil ang mga resulta mula rito ay magkakaroon ng makabuluhang epekto sa relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina; ASEAN at Tsina; at daigdig at Tsina.

Kaugnay nito, sinabi niyang patuloy na lalaki ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa, at nagpahayag na ng interes ang Tsina sa pag-aangkat ng mas marami pang produkto mula sa Pilipinas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino