Pop China Ika-27 2015

2015-08-14 16:33:18

Sinimulan ang "T in the Park Music Festival" noong taong 1994, bilang isa sa sampung pinakamalaking music festival sa Europa, ang pangunahing sponsor nito ay Tennents sikat ng beer brand sa Scotland, kaya, ang music festival ay pinangalanang "T in the Park". Umabot sa 5.4 milyon ang kabuuang populasyon sa Scotland at bawat taon, puwedeng maakit ng "T in the Park" ang mga 240 libong music lovers. Samantala, ito ay naging isang tourist destination na karapat dapat bistahin para sa mga dayuhang balak maglakbay sa Scotland sa buwan ng Hulyo.

Karaniwan, itinatatag ng "T in the Park" ang 12 stage, mga 180 singers at banda ang dumadalo sa 3 araw na performance, at this year, surprisingly napanood sa stage si Jessie J pagkaraang mawala sa sirkulong musikal nang apat na buwan. Noong Marso, may ulat na nagsasabing nakakaranas ng Wolff-Parkinson-White syndrome si Jessie at para hindi magdulot ng sobrang presyur sa puso niya, pinatuhan si Jessie J na huwag munang umawit ng mga high notes. At sa katatapos na "T in the Park" music festival, matapos tumanggap ng heart surgery, medyo swollen pa si Jessie, pinilit niyang umawit ng kalahating oras.

Pagkaraang matagumpay na malikha ang unang tugatog ng buong "T in the Park" music festival, muling pinag-apoy ang passion ng mga manonood nang umakyat sa stage si Sam Smith, pero, natatandaan ko, noong Marso, nagpahayag minsan si Sam ng pasasalamat sa kanyang nutrition expert na si Amelia Free, sabi niya salamat sa recipe na ibinigay ni Amelia, matagumpay na nabawasan niya ang 14 pounds sa loob ng 14 araw, pero, apat na buwang nakalipas, parang muling tumaba nang kaunti si Sam. Baka, enjoy na enjoy siya sa kanyang bagong relationship.

Bukod ng mga super star tulad nina Jessie J at Sam Smith, inimbitahan din ng festival ang ilang bagong singer o banda na mabilis na sumisikat.

Katatamo ng Top Rock Artist sa 2015 Billboard Music Awards, si Hozier ay isinilang sa isang pamilyang musikal, ang tatay niya ay isang musician ng blues at ang nanay niya ay isang illustrator, ang lahat ng album cover ni Hozier ay iginuhit ng kanyang nanay. At noong taong 2013, lumampas sa 9 milyon ang viewing rate ng single niyang "Take Me To The Church" sa Youtube. At matagumpay na umakyat sa second place ng Billboard mula sa ika-92 puwesto. Pero, para sa akin, the most important thing is, napaka guwapo niya parang isang statue…kaya lang sorry female fans dahil nagladlad na siya at inaming bading siya …

Noong katapusan ng taong 2013, sa BBC radio, madalas na napapakinggan ang isang boses, sometimes, husky, malungkot, sometimes, resonant, full of power. Iyan si George Ezra, ika-5 place ng BBC Vioce of 2014 at ininominate na MTV "Brand New for 2014", "DSCVR Ones to Watch 2014" at iTunes "New Artists 2014", ayon kay - Zane Lowe, sikat na music critic ng BBC na si George ay "One of the most compelling and powerful new vocalists around."

Noong ika-14 ng Hulyo, pagkaraan 9 taong paglipad, dumating sa Pluto ang "New Horizons" probe ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika at ipinadala ang isang serye ng litrato ng Pluto. Mula sa mga ito, makikita natin sa ibabaw ng Pluto, ang hugis pusong blemish-napakacute. At mayroon isa pang nickname ang Pluto sa Internet na Tsino na Miss Cute. Ngayong gabi, gusto kong mag-dedicate ng ilang kanta para sa Pluto. Ang una-una ay dapat walang iba kundi ang kantang "Lost Star" na ibinigay ni Adam Lavine at kumusta po, Miss Cute.

Sa palagay ng mga netizen na Tsino, ang scientific probe sa Pluto ay naging isang love story, siyam na taon, 4.8 bilyong kilometrong biyahe, para lang marating ka… At ang "new horizons" ay naging isang gentleman, para makita ang kayang love, tumakbo nang malayo, napawi ang maraming kahirapan. Partikular na, sa proseso, dahil pagkaraan ng pag-analisa, totoong maliit ang Pluto na napakaliit kumpara sa buwan, kaya, inalis na ng mga siyentista ang Pluto mula sa 9 planeta, at tinawag itong dwarf planet. Patuloy ang paglalakbay ng New Horizons probe para makalapit pa nang kaunti sa Pluto.

CRI

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino