Pop China Ika-30 2015

2015-08-28 21:36:33

Noong isang taon, pagkaraang makipagsplit kay Paula Patton, asawa niya sa loon ng 9 taon, mayroon bagong relationship ang 48 taong gulang na si Robin Thicke, na nakitang nag-shu-shopping kasama ng 21 taong gulang na super model girlfriend na si Kerry. Napag-alamang, nagkakilala sila sa isang party at hanggang sa kasalukuyan, magkasama ng kalahating taon.

16 years old lang si Robin nang nagsimula silang mag-date ni Paula. At ang on and off relationship nila ay tumagal ng higit 20 taon. Para maging legal ang pagsasama kinansal sina Robin at Paula. At sa isang konsiyerto espesyal niyang sinulat ang kanta para kay Patton, pero, sayang ah e, nag-divorce sila sa bandang huli.

Patuloy na kinokober ng mass media ang buong pusong pag-aalaga ni David Beckham sa kanyang little daughter na si -Haper Seven, pero hindi na-realise ng mga tao ang 16 taong gulang na anak ni David na si Brooklyn Beckham, panganay na anak nina David Beckham at Victoria Beckham. Kamakailan, opisyal na inanunsyo ni Brooklyn na itatakwil niya ang football at nakahandang mag focus sa kanyang karera sa Hollywood. Isinilang sa isang sikat na pamilya sa buong daigdig at mayroon pinakamagaling na contacts, di nakapagtatakang magiging super star din si Brooklyn.

Pagkaraan ng dalawang taon na paggiging tahimik, kamakailan, sa pamamagitan ng Billboard magazine, ipinatalastas ni Justin Bieber na sa darating na ika-13 ng Nobyembre, ilalabas niya ang ika-4 na album niya, o ibig sabihin, tatlong buwang nakalipas, makikita natin si Justin Bieber at mapapakinggan ang kanyang bagong kanta sa iba't ibang okasyon. Bagama't nitong dalawang taong nakalipas, piniling itigil ni Justin ang lahat ng aktibidad niya dahil sa sobrang maraming negatibong balita, nananatiling mataas na mataas ang popularidad ni Justin at mula noong Pebrero, sa mga interviews, magkakasunod na nagpahayag si Justin ng kanyang pagsisisi sa mga kagawian na naglatag ng landas para sa kanyang come back.

Inilabas kamakailan ng 47 taong gulang na Australian Singer na si Kylie Minogue ang music video ng kantang "Absolutely Anything And Anything At All". Ito ang theme song ng pelikulang "Absolutely Anything". at sa video, magkasamang sumayaw at kumanta siya kasama ng mga Aliens, pormal na iniere ang pelikula sa UK at North Amerika, kapag pinag-ukulan ng pansin ng mga manood ang exaggerated performance na kaloob ni Simon Pegg at mga cute na cute na Aliens, dapat pansinin ninyo ang pet dog ni Pegg, ang boses nito ay mula sa yumaong artistang si Robin Williams. At ito ang huling performance ni Robin sa big screen.

Tapos, sa natitirang ilang minuto, guston kong ibahagi ang tatlong istorya sa pagitan ng mga songwriter at singer.

Ang kantang "Rehab" ay unang winning single ni Rihanna at noong 2009, si Rihanna ay isang bagong singer pa lang at sa isang party, nakilala niya ang super idol na si Justin Timberlake at nag-fall-in-love silang dalawa. Epesyal na sinulat ni Justin ang kantang "Rehab" para kay Rihanna at lumitaw sa music video nito, pero, tumatagal lang ng ilang araw ang kanilang relasyon. Dahil hindi kayang malimutan ang kanyang ex-girlfriend at later asawa na si Jessica Biel, kaya humingi ng paumanhin si Justin mula kay Rihanna at nagsplit sila.

Bagong gupitin ang kanyang buhok at nananatili bilang sweetheart ng Disney, ang kantang "Party In The USA" ay tinaguriang pinakapopular na kanta ni Miley Cyrus at naging second place sa Billboard. Actually, ang songwriter nito ay isa pang talento at kilalang singer ngayon na si Jessie J. Bago makatawag ng pansin mula sa BBC radio, tulad ng maraming batang singer, kapag sinusulat ni Jessie J ang kanta para sa ibang singer, hinihintay niya ang pagkakataon. At ayon sa ulat, ang kita ng pagsulat ng "Party In The USA" ay sapat para kay Jessie na magbayad ng tatlong taong halaga na renta ng bahay.

Mahusay si Taylor Swift sa pagsulat ng mga kanta batay sa nagdaang love affair. Pero, baka hindi ninyo alam natamo niya minsan ang love dahil sa pagsulat ng kanta. Nagkakilala sina Taylor Swift at Kellie Pickler sa stage ng "Americas Got Talent" at si Tyalor ay guest perfomer at si Kellie ay participant, bilang folk music lover, espesyal na sinulat ni Taylor ang kantang "Best Days Of Life" para kay Kellie na naging first winning single ni Kellie at ipinakilala naman ni Kellie ang kaibigan niya kay Taylor at paglaon ay naging boyfriend ni Taylor na si Jake Gyllenhaal.

CRI

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino