Pop China Ika-31 2015

2015-09-05 18:50:43

Sa bagong issue ng kilalang fashion magazine na Vanity Fair na ilalabas sa darating na Setyembre, ilalathala nito ang group photo ng mga "Star Of Year" at kabilang dito sina Sophia Loren, Leonardo DiCaprio、Cate Blanchett at iba pa, makikita natin ang isang artistang Tsino na si Jane Zhang, bagama't walang bagong award winning na pelikula at dahil sa kanyang bagong love affair sa isang controversial singer sa mainland Tsina, medyo low profile si Jane, pero, nananatiling mataas ang impluwensiya niya sa buong daigdig. At ito ang ika-4 na beses na nakita sa cover ng Vanity Fair si Jane Zhang.

Kamakailan, idinaos ng UN ang isang eksibisyong pinamagatang "Revolution of Art" na idinispley ang portrait ng mga namumukod na artista isa iba't ibang aspekto na kinabibilangan nina Joan Baez, Audrey Hepburn at mga iba pang masters. At ang kilalang movie star na si Gong Li ay naging tanging artistang Tsino na pumasok sa grupong ito. Bukod sa mahusay na performing skills, sa mula't mula pa'y, nananatiling nagsisikap siya para mapasulong ang kultura ng pelikulang Tsino sa buong daigdig at naging pangunahing dahilan ng pagiging kinatawan ng mga pinakamagaling na artistang Tsino.

Pagkaraang malaman ang mga kaakit-akit na kababaihan, tingan natin ang mga masiglang masiglang girls. Kalalabas lang ng single ng Girls Generarion na "Party Time" na punong-puno ng sigla sa dala ng tag-init, pormal na sinimulang ibenta ang kanilang bagong album na "Lion Heart". Pero, hindi tulad ng loveliness at dynamic na ipinakita nila sa "Party Time", medyong makapal at mature na make-up at sexy na kasuotan ng mga girls ay nakatawag ng malaking talakayan sa pagitan ng mga fans.

Tapos, punta tayo sa Amerika, dalawang taong walang inilabas na bagong album, kamakailan, nang kapanayamin ng isang music magazine, ipinahayag ni Miley Cyrus na gusto niyang ishare ang lahat ng bagong kanta sa Internet at puwedeng walang bayad na mapakinggan ng mga fans ito. Pero, agarang sinabi ng managing company ni Miley na kung gagawawin ito ni Miley, agarang aalisin nila ang kontrata kay Miley at hihingi ng kompensasyon.

Kahit nakatanggap ng babala si Miley mula sa managing company, naging popular na popular naman siya sa production group ng Video Music Awards, pagkarang inominate bilang VJ sa gaganaping ika-31 awards night ng VMAs noong Hunyo, sa loob ng dalawang buwan, espesyal na gumawa ang VMA ng sampung edisyon ng promotion video sa gagawing leading role ni Miley, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng VMAs at nitong ilang taong nakalipas, parating isang promotion video lang ang ginagawa nila para sa mga final winner lamang. Kaya, si Miley ay walang duda, No 1 leading performer, sa gaganaping ika-31 VMAs.

Kababanggit ko lang na gustong gawing libre at ishare ni Miley ang kanyang bagong album sa Internet, samantala, mataas na pinahahalagahan ni Tylor Swift ang copyright ng kanyang mga kanta at ini-off-shelf ang lahat ng kanyang mga kanta sa streaming at download sites ng internet. Natural na natural ang pagkakaiba sa palagay nila kaya naman nakatawag ng malawakang talakayan ito sa Interet. Halimbawa, buong lakas na kinakatigan si Miley ni Zyan Malik, dating miyembro ng 1D at bilang boyfriend ni Taylor Swift, buong tatag na napangalagaan ni Calvin Harris ang kagawian ni Taylor. Pero, ayon sa mga netizen, hindi importante kung sino ang tama o mali, mas mahalaga na nakita nating nahanap ni Taylor ang kanyang Mr Right

Noong Mayo, inilathala ng "Opps"-isang magazine ng Pransya na buntis na si Rihanna at ang tatay ng anak niya ay si Leonardo DiCaprio, idinemanda ni Leonardo ang nasabing magazine sa hukuman at pagkaraan ng tatlong buwan, nagtagumpay si Leonardo. Ayon sa ruling, dapat magcompensate ang nasabing magazine ng 8 libong Euro na credit loss kay Lenardo, pero, ayon sa pinakahuling balita, hinding hindi inamin ang paghatol na ito ng editor in chief ng "Opps" at sa okasyong pampubliko, mahigpit na binatikos niya si Leonardo. Parang gusto pa niya ng isa pang paghahabla.

CRI

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino