Aralin Bilang Animnapu't Apat Sa Museo

2015-08-03 11:15:41

Aralin Bilang Animnapu't Apat Sa Museo


(zhè)(er)(kě)(yǐ)(pāi)(zhào)(ma)  (qǐng)(bú)(yào)使(shǐ)(yòng)(shǎn)(guāng)(dēng)

Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap


您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.

Maraming museo sa Beijing, at ang mga ito ay bukas sa publiko nang walang bayad. Kaya, ang pag-aaralan natin ngayong araw ay ang mga pangungusap na madalas na gamitin sa pagbisita sa museo. Ang una, “maari ba akong kumuha ng litrato rito?”

这(zhè)儿(er)可(kě)以(yǐ)拍(pāi)照(zhào)吗(ma)?

这(zhè)儿(er), dito.

可(kě)以(yǐ), maaari o puwede.

拍(pāi)照(zhào), kumuha ng larawan.

吗(ma), katagang pananong na nasa hulihan ng pangungusap.


Narito po ang isang bersyon ng sagot sa “maaari ba akong kumuha ng litrato rito”-- Wala lang pong flashbulb.

请(qǐng)不(bú)要(yào)使(shǐ)用(yòng)闪(shǎn)光(guāng)灯(dēng).

请(qǐng), pakiusap lang po.

不(bú)要(yào), huwag.

使(shǐ)用(yòng), gumamit.

闪(shǎn)光(guāng)灯(dēng), flash o flashbulb.


Narito po ang unang usapan:

A: 这儿(zhèer)可以(kěyǐ)拍照(pāizhào)吗(ma)?Maaari ba akong kumuha ng litrato rito?

B: 可以(kěyǐ),但是(dànshì)请(qǐng)不要(búyào)使用(shǐyòng)闪光灯(shǎnguāngdēng)。Pwede po, pero huwag lang po kayong gagamit ng flashbulb.